Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: 'Masama Daw Akong Ina Kasi Gumagamit Ng Cellphone Ang Anak Ko'

    Alam ko namang dapat may limitasyon ang pag gamit ng gadgets, so bakit ninyo ako agad hinuhusgahan?
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: 'Masama Daw Akong Ina Kasi Gumagamit Ng Cellphone Ang Anak Ko'
PHOTO BY iStock
  • Sa isang pag-aaral ng mga researchers mula sa Cincinnati Children’s Hospital na nailathala sa journal ng JAMA Pediatrics, lumalabas na malaki ang epekto ng sobrang screen time sa utak ng mga maliliit na bata. Ayon sa mga MRI scans na tinignan nila, naaapektuhan ang development ng utak na maaaring makaapekto sa literacy, language, at cognitive skills niya. 

    Nang mauso ang cellphones, tablets, at computers, pinaigting na ng mga medical institutions ang kampanya para ipaalam sa mga magulang kung gaano lang katagal ang dapat ginugugol ng mga bata sa harap ng screen. Ayon sa World Health Organization, isang oras lamang (o mas mababa pa) ang mairerekomenda nilang panahon ng pag gamit ng screen—lalo na kung sedentary o iyong nakaupo o nakahiga lang ang batang gumagamit. Ang mga batang edad lima pababa ay dapat na nililimitahan sa pag gamit ng mga gadgets. 

    More from Smart Parenting

    Ngunit paano kung dalawa lang kayo lagi ng anak mo sa bahay at wala kang katulong sa kanya, pati na rin sa gawaing bahay? May mga pagkakataong hindi mo talaga maiiwasang iharap sa TV ang anak mo o di naman kaya ay abutan siya ng cellphone para makagawa ka ng gawaing bahay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumulat ang ilang Smart Parenting readers at Smart Parenting Village members sa amin para ipaalam ang kanilang hinanakit sa mga magulang na humuhusga sa ibang magulang na hinahayaan ang kanilang anak na gumamit ng cellphone.

    Dear Ms. Sara, please hide my identity.

    Napapagod na kasi ako sa mga tao na grabeng magsalita sa mga nanay na pinapayagang manood ang mga anak nila o yung mga hinahayaang mag cellphone ang mga anak nila. Yung mga kamag-anak ko, sasabihan pa ako na masama daw iyon para kay baby, hindi ko daw dapat hinahayaang nanonood ng cartoons. 

    More from Smart Parenting

    Alam ko naman iyon. Hindi ko naman ipapahamak ang kalusugan ng anak ko. Alam ko ang masamang naidudulot ng labis na screen time. Alam ko dahil binabasa ko ito at inaaaral ko itong mabuti. Lahat ng maaaring maging epekto nito sa anak ko ay iniintindi ko talaga. Hindi rin naman ako pumapayag na mahigit isang oras nakatingin sa screen ang anak ko. Regulated naman ang screen time niya. Minsan lang talaga, kailangan ko siyang iwan na hawak ang cellphone ko dahil ako lang naman mag-isa ang nag aalaga sa kanya. Bakit parang masamang ina na ako agad? Bakit ba palaging may judgment sa choices namin bilang nanay? Nakakapagod na na mag keep up sa standards ng iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Alam ko kung anong makakabuti sa anak ko. Kung gumamit man siya ng cellphone o manood man siya ng cartoons, pinakamatagal na ang 10 minutes, minsan mas mababa pa nga, para lang makagalaw ako ng sandali sa bahay. Hindi namin afford ang yaya, minsan ang baho-baho ko na kasi hindi ako makaligo. Maraming pinagdadaanan ang mga nanay, hindi katamaran na bigyan ng gadget ang anak namin lalo na kung sigurado naman kaming regulated ang oras nila dito. Nakakapagod na parang lagi kong kailangang mag explain sa mga taong wala na ngang naitutulong sa akin, nagcocomment pa ng masakit.

     

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles