Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: Pinagtutulungan Ako ng Pamilya ng Asawa Ko

    Paano kung ang akala mong pangalawang pamilya mo ang siya pang nagpapahirap sa iyo?
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Pinagtutulungan Ako ng Pamilya ng Asawa Ko
PHOTO BY iStock
  • Kapag nag-asawa tayo o kahit pa sa punto pa lang ng pagiging magkasintahan, umaasa na tayo na makakasundo natin ang pamilya ng ating partner. Inaasahan na nating sila ang magiging pangalawang pamilya natin. Ngunit paano kung sila mismo ang nagiging dahilan para mahirapan tayo? 

    Narito ang isang #SPConfessions mula sa Smart Parenting Village: 

    Ms. Sara, please, hide my identity.

    Paano po ba ang gagawin kung hindi ka gusto ng pamilya ng asawa mo? Sa kaso ko po kasi, lagi akong pinagtutulungan ng pamilya ng asawa ko.

    More from Smart Parenting

    Nagsimula ang lahat nang tumira ako sa kanila noong buntis ako. Ang asawa ko at ako ay nagbabalak pa lang noon na maikasal sa huwes dahil wala naman kaming budget para maikasal sa simbahan.
    Anim na buwan na akong buntis noon. Nang sabihin naming handa na ang mga papeles namin, sinabi nila na dapat daw ay sa simbahan na lang kami ikasal.

    Sila na nga ang nagplano ng lahat. Sinagot na nila ang kasal. Para sa iba, sasabihin ninyo na “buti nga sinagot pa nila yung kasal mo” pero para sa akin, gusto kong maging espesyal ito sa para sa aming dalawa ni hubby. Hindi kumpleto ang pamilya ko noong kasal ko dahil ilang araw na notice lang ang naibigay namin sa kanila. Ilang oras ding nagbiyahe ang pamilya ko para lang makarating, dahil kung hindi, wala akong magiging bisita. Hindi ko nga kilala halos majority ng mga dumating na guests. Halos lahat sila ay galing sa listahan ng in-laws ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nang mabuntis ako, planado rin nila. Ganun din nang nanganak ako—nakikialam pa rin sila sa mga desisyon ko. Gusto ko sanang exclusively na i-breastfeed si baby, pero ayaw nila.

    Umuupo pa ang in-laws ko sa tabi ko at sinasabing, "Wala ka naman kasing gatas." O hindi naman kaya ay, "Hindi siguro masarap ang gatas mo."

    ‘Yun ang dahilan kung bakit pinilit ko talagang pasusuhin ang anak ko. Iyon na lang ang tanging paraan ko para hindi nila kunin sakin ‘yung bata. Nagagalit sila kapag nagdedesisyon ako para sa anak ko at tulong-tulong sila sa pagsasalita kung anong gagawin at hindi ko dapat gawin. 

    Nagsimula akong makaramdam ng matinding kalungkutan hanggang sa naghinala na akong postpartum depression ang meron ako. Dahil doon, nagdesisyon na kaming mag-asawa na lumipat na lang ng bahay. ?Kahit papaano, nakahinga na ako, ngunit hindi pa rin doon natapos ang lahat. Ipinagkakalat nila na ipinagdadamot ko raw sa kanila ang apo nila. Chinichismis nila ako sa mga kapitbahay. 

    More from Smart Parenting

    Ngayon, tatlong taong gulang na ang anak ko. Diagnosed ako with anxiety at depression. Toxic talaga ang environment ko dahil sa kanila. Nang sabihin ko ito sa kanila, sabi nila, nasa isip ko lang daw lahat ng iyon. Ako lang daw ang makakaayos sa sarili ko. Wala talaga akong support system.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakalungkot hindi ba? Dapat sila na ang pangalawang pamilya ko dahil asawa ako ng anak nila. Ngunit hindi. Tinatrato nila akong kakumpitensya, lalo na sa apo nila na anak ko.

    "Mali ako palagi sa paningin nila. Pinaparamdam nila sa akin na wala akong kwenta." 

    Kaya sa Noche Buena, ipinasya kong hindi na kami pupunta. Ngayon man lang ay matahimik ang isip at puso ko. Lahat naman ng ganap sa pamilya nila, pumupunta ako kahit ayaw ko. Nakikisama pa rin ako kahit mahirap dahil mahal ko ang asawa ko at nirerespeto ko pa rin ang mga magulang niya. But this time, kailangan ko nang magtira ng respeto para sa sarili ko. 

    Wala akong kakampi palagi. I always have to face them alone. Wala rin namang sinasabi ang asawa ko.

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles