embed embed2
  • #SPConfessions: 'Nawala Ang Pagiging Ina Ko'

    Ang hirap kumilos. Ang hirap huminga. Everything inside the house felt toxic.
#SPConfessions: 'Nawala Ang Pagiging Ina Ko'
PHOTO BY Shutterstock/BonNontawat
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito. 

    I wanted to work my way into being a mom. I was beginning to, but it all fell apart when we relocated to the province.

    A month after I gave birth, my husband left to go abroad and I was left alone sa condominium. Sa kabila ng pag-alis niya, hindi pa rin kaya ang mga expenses namin. Hindi naman ako makabalik sa trabaho dahil walang nagtatagal na kasambahay.

    Kaya naman nagdesisyon kaming lumipat sa probinsya at humingi ng tulong mula sa nanay ko at mga tiyahin ko doon.

    It was such a relief na finally, matutulungan ako ng nanay ko at ng mga lola na tumandang dalaga na. Little did I know that everything will backfire eventually.

    The first few weeks ay adjustment pa sa provincial life. Breakfast at 5AM, lunch at 12NN, and dinner at 6PM. Kapag na-late ka, sarado na ang kusina. Bawal ang maingay dahil magagalit ang mga lola. Bawal magkalat si baby. Bawal umuwi na pasado 9PM dahil sasaraduhan ka ng pinto at wala kang susi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Then things gradually started to change. 'Yung lalagyan ng mga baby things at mga gamit ko, nagbabago ng pwesto. I don't get to choose my baby's clothes for her anymore. Pangit daw o kaya ay dapat iyong binigay lang ng lola.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    I don't get to have my own way of raising my child dahil gusto nilang sundin ko ang mga nakasanayan nilang paraan.

    Huwag daw buhatin lagi dahil lalaking spoiled. Huwag paglaruin sa garden dahil marumi. Huwag hayaang tumakbo dahil papangit ang legs. Huwag hayaang manood ng mga videos dahil lalaking walang alam.

    Nagalit sila nang bumili kami ng automatic washing machine dahil ayon sa kanila, dapat lahat ay hand washed.

    Nagbakasyon ang asawa ko at gusto sana naming mag-staycation sa isang hotel pero hindi pumayag ang mga lola na isama si baby dahil malayo raw at hindi ligtas para sa mga bata.

    Iniisip nila na hindi namin kayang alagaan ang anak namin. May isang beses pa na muntik nang makahulog ng TV ang bata at isinisi nila iyon sa akin. "Kung hindi mo kayang mag-alaga, ipaampon mo na lang," sabi pa nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsimula nang maging toxic ang pamumuhay namin. Lahat ng maling nagagawa ko at maling nagagawa ng anak ko at pinupuna nila at ipinagkakalat pa sa iba naming kamag-anak. Bata pa raw kasi ako at wala akong alam.

    Lahat ng nasimulan ko noong nasa Manila pa kami, mula sa tiwala ko sa sarili ko hanggang sa mga binuo ko kasama ang anak ko, unti-unti nilang sinisira.

    Mahal ko ang anak ko pero para akong robot na sumusunod sa mga sinasabi sa akin, hindi para sa kapakanan ng anak ko, ngunit dahil sa takot ko sa sasabihin ng mga lola niya.

    Nawala ang pagiging ina ko. 'Yung ina na parte ng isang pamilya. 'Yung ina na may pinapalaking anak.

    Kapag pinilit ko ang paraan ko ng pagpapalaki, pagsasabihan nila ako na mali ang mga pinagsasasabi ko at wala akong sapat na experience para maging nanay.

    Kapag pinilit ko na ako ang ina, sasabihin nila na wala akong utang na loob. Ang sinabi pa nila sa akin, hanggat naroon ako sa pamamahay nila, sila ang masusunod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang hirap kumilos. Ang hirap huminga. Everything inside the house felt toxic.

    Pero finally, my husband found a house for rent at lumipat kaagad kami. Gusto pa ng mga lola na iwan sa kanila si baby, pero kahit ang iba naming mga kamag-anak ay umalma na.

    Ngayon, masaya na kaming magkakasama at maayos naming napalaki ang anak namin. Five years old na siya ngayon.

    Now I can finally feel like a mom. Pasalamat pa rin naman ako sa tulong na naibigay nila, pero hindi ko makakalimutan ang naranasan namin.

    Lubos na gumagalang,

    Mommy Na Talaga

     

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles