Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: Wala Raw Akong Kwentang Ina, Sabi Ng Asawa Ko

    At ilan pang kwento ng conflict mag-asawa mula sa Smart Parenting Village.
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Wala Raw Akong Kwentang Ina, Sabi Ng Asawa Ko
PHOTO BY iStock
  • Walang pagsasamang perpekto. Kahit ang mga taong mukhang perpekto ang mga relasyon o ang mga finofollow natin sa social media na #RelationshipGoals, mayroon din silang nararanasang pagsubok sa kanilang mga pagsasama. Ito’y dahil wala namang perpektong relasyon at wala namang dalawang tao na nagsama at habang-buhay nang hindi nag-away. 

    ‘Yun nga lang, minsan, may mga away mag-asawa na hindi maganda ang kinakalabasan—lalong-lalo na kung mainit ang ulo ninyong dalawa. Madalas ay pinapadala ito ng mga nanay sa Smart Parenting Village bilang #SPConfessions.

    More from Smart Parenting

    Tinawag akong “bobo” ni hubby

    What would you feel na sinasabihan ka ni hubby ng "bobo"? I feel so hurt every time na sinasabihan niya ako ng ganon.

    Twenty seven years old na ako. Nag-aaral ako at marami akong ginagawa, lalo na sa kurso ko na sobra talagang busy. 

    Recently lang, hindi kami nakasama sa weekend family outing namin dahil may kinailangan akong gawin para sa school. Madalas hindi kami nakakasama sa mga family outings na ito. This time, nagalit na siya. Ang “bobo” ko daw. Bakit daw ako pumayag na magtrabaho ako ng Sabado. Pinahiya ko daw siya sa mga kamag-anak niya. Nag-aaral nga daw ako, pero “bobo” naman ako. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang sakit sa pakiramdam na parang kasalanan ko pa na may biglang gagawin. Maraming beses na rin niya akong tinawag na “bobo”. Na-experience niyo na ba ito? 

    More from Smart Parenting

    Parang mas gusto pa ng asawa ko sa labas kaysa sa bahay kasama naming mag-ina

    Sobrang sama ng loob ko sa partner ko ngayon dahil parang mas gusto pa niyang nagha-hangout kasama ang mga kaibigan niya. Nagpaalam naman siya at pinayagan ko naman pero may usapan kami sa kung anong oras siya uuwi. Kaso, extend naman siya ng extend hanggang sa inumaga na siya. 

    Naiinis ako kasi hindi siya sumusunod sa usapan. As much as possible, ayaw ko siyang pagbawalan sa mga lakad niya kasi baka masakal naman siya. Ang gusto ko lang ay sumunod naman siya sa usapan. 

    Palagi na lang niyang sinasabi na paminsan-minsan lang naman daw siya lumalabas kasama ang mga kaibigan niya kaya sinusulit niya. Nasasaktan ako kasi pinayagan ko na nga siya, hindi pa siya tumupad sa usapan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamilyadong tao na siya. May baby na kami. Pakiramdam ko, nagbubuhay binata pa siya at parang hindi niya naiisip na may pamilyang naghihintay sa kanya. Pakiramdam ko mas nage-enjoy siya sa company ng ibang tao kesa sa amin na pamilya niya.

    More from Smart Parenting

    Wala raw akong kwentang nanay sabi ng asawa ko. 

    Moms what would you feel if sinabihan ka ng husband mo ng "wala kang kwentang nanay"?

    Sabi niya, nasabi lang daw niya iyon para pigilan akong umalis. Lalabas kasi sana ako kasi gusto ko lang ng ilang oras para huminga ng sariwang hangin. Gusto ko lang ng konting alone time, ng konting panahon para sa sarili ko. Nakakapikon na kasi. Hindi naman ako makagalaw ng maayos kasi nakikitira lang kami sa nanay niya.

    Gusto ko lang makahinga kahit sandali lang, wala na agad akong kwentang ina?

     

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles