Tagalog,#SPConfessions,baby stage,toddler stage,Please Stop Commenting On My Child's Weight,weight, baby, child's weight, baby weight, smart parenting village, bad Filipino culture, innappropriate behavior,Minsan, may mga taong hindi maingat sa sinasabi nila. Hindi nila alam, nakakasakit na sila ng damdamin ng iba.
ParentingReal Parenting

#SPConfessions: Tigilan Niyo Na Ang Pag-Comment Sa Timbang Ng Anak Ko

Isang nanay ang sumulat sa amin para ilahad ang saloobin niya tungkol sa ‘baby body-shaming’.
PHOTO BYiStock

Naalala niyo ba ‘yung commercial ng isang juice drink kung saan nahuhusgahan ang mga nanay dahil sa itsura ng kanilang mga anak? Patotoo ito sa kalimitang nararanasan ng mga nanay ngayon, lalong-lalo na sa panahon ng social media. 

Kaya naman hindi na kami nagtaka nang sumulat sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang isang nanay na madalas ay nahuhusgahan at nakakarinig ng masasakit na salita dahil sa itsura ng anak niya. Bunsod nito’y marami nang nagpadala ng experience nila tungkol sa baby body-shaming: 

#SPConfessions #1

I updated my Facebook profile picture the other day, only for my baby to be subjected to comments like "bakit pumayat” at "madalas ka yata sa labas eh”, na para bang kaya payat ang  anak ko ay dahil napapabayaan ko.

I know I cannot please everyone with what I post, but what I cannot take is shaming my baby's weight and poking my mom guilt in the process. Ang masakit pa, ‘yung taong nag comment ay hindi naman isang ina at hindi rin isang medical professional.

After walking away gracefully from the online conversation, I had to hide her comments and my entire Facebook account for my own sanity and to protect my baby from people like that. Bago ko ginawa ito ay sinabi ko naman sa kanyang akma ang timbang ng anak ko sa edad niya at walang nakitang dahilan ang mga doctor para i-consider siyang unhealthy. 

Para sa kaalaman ng lahat, ang timbang ng isang bata ay hindi sole indicator ng kanyang overall health—ganun din sa mga adults. Ang isang matabang tao ay hindi agad maituturing na healthy at gayon din naman sa mga payat. My baby is very active, she’s not even skin and bones, pero heto ako, nagpapaliwanag, kahit na sinabi naman sa akin ng pedia niya na she’s more than fine. That is good enough for me. For those whose habit it is to equate weight with “kumusta”, please know they are not synonymous. 

#SPConfessions #2

I am a first-time mom. I feel so sad tuwing maririnig ko ang mga comments tulad ng “Ang payat naman ng baby mo.” o “Inaalagaan mo ba ‘yang anak mo? Bakit ang payat naman niyan?”

Malapit nang mag 10 months ang anak ko. Magana siyang kumain. Ayon sa kanyang doctor, normal sa edad niya ang timbang niya. Nakikita ko rin na active ang anak ko. Malikot siya, mahilig mag explore, at palatawa. Minsan, nauuna pa akong mapagod kapag playtime na. Hindi rin siya sakitin. Hindi lang talaga siya mataba. 

Ang sakit sa loob ko na makarinig ng ganitong comments kasi pakiramdam ko wala akong kwentang ina. Lagi na lang may pumupuna sa pagiging payat niya na para bang hindi ko man lang siya pinapakain o inaasikaso. Bakit ba may mga taong hindi man lang isipin kung makakasakit sila bago sila magsalita ng kung anu-ano? Minsan nga ikukumpara pa nila sa ibang bata ang anak ko. 

watch now

Sa totoo lang, ayaw ko na silang pansinin at intindihin. Kasi, alam ko naman na healthy ang anak ko at tama ang timbang niya. Alam ko rin na hindi lang naman timbang ang basehan ng pagiging healthy ng mga bata—kahit ng mga matatanda. Napakahirap talaga ng nakasanayan dito sa bansa natin.

#SPConfessions #3

Hindi ko maintindihan ‘yung mga taong grabe mag comment sa timbang ng anak ko. Ang sabi pa, hindi raw kasi masustansiya ang gatas ko kaya raw hindi tumataba ang anak ko. Sabi ng pedia ni baby, normal lang daw ang timbang ni baby para sa edad niya. Nakakainis na ang bilis nilang mag-judge. Hindi naman sila doctor. ‘Yung iba nga, hindi naman nanay.

Nahusgahan na rin ba ang pagiging nanay mo dahil sa timbang ng anak mo? Pwede mong i-share ang kwento mo sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

 

Ang mga kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close