Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: To Work Or Not To Work, Mayroon Ba Talagang Tamang Choice?

    Madalas ay nalilito ang mga nanay kung dapat pa nga ba silang bumalik sa trabaho.
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: To Work Or Not To Work, Mayroon Ba Talagang Tamang Choice?
PHOTO BY iStock
  • Maraming nanay sa Smart Parenting Village ang nagtatanong sa mga kapwa nila nanay kung ano nga bang dapat nilang piliin—maging full-time stay-at-home mom o maging working mom? Mayroon nga bang tamang choice? Kailangan nga ba talaga ng mga nanay na mamili? O mayroon bang mas magandang kompromiso? Narito ang kanilang mga kwento: 

    #SPConfessions: ‘Sayang Ang Trabaho, Lalo Na Kung Gusto Ko Ang Ginagwa Ko.’

    I am torn between work or being a stay-at-home mom. When I was seven months pregnant sa second baby ko, nag-leave na po ako sa work. I was thinking of going back soon, pero ‘yung anak ko, sobrang malambing. Mix feeding kami pero humina na siyang magdede sa bote. Mas gusto niya na palaging sa akin kaya nagdecide akong mag-extend ng leave. Sinabi ko na sa asawa ko na babalik na ako sa trabaho. Okay naman sa kanya pero inaalala niya ang mga bata.

    More from Smart Parenting

    Tatlong taong gulang pa lang kasi ang panganay namin. CS ako sa parehong mga anak ko. Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong magre-resign o mag-eextend na lang muna ako ng leave. Hindi ko maiwan ang trabaho ko kasi gusto ko ang ginagawa ko. Okay lang naman kami financially. Nairaraos naman kami ng sahod ni hubby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Nanghihinayang ako sa pinag-aralan ko."

    Marami akong nababasang mga nanay na masaya sila na iniwan nila ang mga trabaho nila para maging full-time nanay. Ako, naguguluhan talaga ako. Nanghihinayang ako sa pinag-aralan ko pero at the same time, naiisip ko rin na paano ang mga anak ko. Hindi ko na alam kung ano nga bang dapat piliin.

    More from Smart Parenting

    #SPConfessions: ‘I think I’m being selfish!’

    I’m a mom of two boys. My eldest is one year and 10 months old and my second child is three and a half months old. Umalis ang kasambahay namin recently lang. Babalik na ako dapat sa trabaho, pero dahil walang maiiwan sa baby, nagrequest ako ng one month na extension sa leave. Pumayag naman ang pinagtatrabahuhan ko. Wala na sanang problema pero ‘yung husband ko naman ang nagpupumilit na magresign na ako. Lagi naman akong sumusunod sa asawa ko. Pero sa pagkakataong ito, nararamdaman ko talagang ayaw kong magresign. Kahit sabihin ko sa kanya na ayaw ko, lagi niyang sinasabi na wala akong choice—kailangan ko daw magresign.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sa panganay ko, nakabantay din ang nanay ko kahit noong may yaya pa kami. Ngayon, baka hindi na niya kayaning magbantay ng bata dahil nag-aalaga na siya ng dalawang pamangkin ko. Nakakaramdam ako madalas ng lungkot dahil parang ang bilis ng mga pangyayari. From working mom, bigla na lang akong magiging stay-at-home mom. Mag-isa ako dito sa bahay mula umaga hanggang gabi.

    "Nami-miss ko ang trabaho ko."

    May time na dumalaw ako sa opisina para magasikaso ng ilang bagay. Nakaramdam ako ng lungkot. Nami-miss ko ang trabaho ko. Nakadagdag pa sa kalituhan ko ‘yung sinasabi ng ibang tao na huwag daw akong papayag sa gusto ng asawa ko. Sabi nila, mahirap daw kapag wala akong sariling pera. Mahirap at malungkot daw kung nasa bahay lang ako lagi, mag-isa at walang ginagawa. May parte rin sakin na alam ko na para sa mga anak ko rin naman ang pagre-resign ko. Pero andun pa rin ang takot na kapag nagresign na ako, wala na akong silbi. Accountancy graduate ako. May eligibility at master’s degree. Nanghihinayang ako sa mga naabot ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang mga kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles