;
embed embed2
  • '4 Points Sa Asawa Ko Tagal Maligo': Nakakatawang Sagot Ng Mommies Sa PBB Question Na Ito

    Ang kukuwela ng sagot ng mga mommy!
    by Angela Baylon .
'4 Points Sa Asawa Ko Tagal Maligo': Nakakatawang Sagot Ng Mommies Sa PBB Question Na Ito
PHOTO BY shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Nitong nagdaang dalawang taon, marami sa atin ang matagal na nanatili muna sa loob ng bahay bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. At dahil bawal nga muna lumabas, tila napasabak tayo na maging mga "housemate" ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.

    Para sa ilan, naging paraan ang quarantine upang maging mas malapit sa kanilang pamilya. Pero tulad din sa Bahay Ni Kuya, minsan ay may mga hamon ding kakaharapin na talagang susubok sa inyong pagsasama. Nariyang maiinis ka dahil sa tagal ng iyong asawa sa C.R. o mapapakamot ka na lang sa uli dahil maya't maya kung magpalit ng diaper si baby. 

    Bilang kaunting pang-tanggal stress, isang virtual confession room ang aming binuksan sa Smart Parenting Facebook page kung saan tinanong namin ang mga mommies kung sino sa kanilang mga housemates ang bibigyan nila ng puntos para ma-evict sa bahay— si mister o si baby? Paalala, katuwaan lang at walang personalan ang mga sagot na ito!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sino ang bibigyan niyo ng mas mataas na puntos para sa "eviction"?

    Narito ang ilang kuwelang sagot ng mga mommies mula sa aming post:

    Ang ilan, higit pa sa two points ang willing ibigay sa kanilang asawa. LOL!

     

     

    May mga mommies din na ibinigay ang boto sa kanilang mga anak.

     

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Pinakanakakaaliw naman ang sagot ng mga mommies na gusto nang mag-voluntary exit.

     

     

    Sa kabila ng mga sagot na ito, ang realidad na gaano man nakakainis minsan si mister at little one, mas gugustuhin pa rin talaga ng mga nanay na buo at magkakasama ang pamilya. Sa huli, big winner pa rin sa mga puso ng bawat mommies ang kanilang mga asawa't anak.

    Ikaw? Kanino mo ibibigay ay iyong vote to nominate? I-share mo na ang sagot mo sa comment section!

    Kung propesyon ang pagiging ina, magkano dapat ang matanggap nilang sahod? Basahin dito ang sagot ng ilang mommies.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles