;
embed embed2
  • 5 Rason Kung Bakit Tinotoyo Ang Mga Nanay

    Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit napakabilis magalit ni mommy minsan.
    by Ana Gonzales .
5 Rason Kung Bakit Tinotoyo Ang Mga Nanay
PHOTO BY iStock
  • Sabi nga nila, walang makapaghahanda sa iyo sa pagiging ina. Bagaman makakapagbasa ka ng maraming libro at makakakuha ka ng feedback mula sa ibang mga magulang, iba pa rin kapag nandoon ka na sa sitwasyon na iyon.

    Hindi mo rin masisisi ang mga nanay kung paminsan-minsan eh 'tinotoyo' sila. Marami na ngang naglabasang memes tungkol sa 'toyo' ni nanay.

    Pero hindi ka ba nagtataka? Bakit nga kaya tinotoyo si nanay? Maraming pwedeng dahilan. At siyempre, sino pa bang mas magandang magpaliwanag niyan kundi ang mga nanay mismo.

    What other parents are reading

    Mga dahilan kung bakit minsan, tinotoyo si nanay

    Makalat ang bahay

    Hindi naman talaga maiiwasan ang kaunting kalat sa bahay lalo na kung mayroon pa kayong alaga na maliliit na bata. Ngunit ang kaunting kalat na ito, kapag nagpatong-patong, nakakastress ito para kay mommy.

    Isa sa madalas hinaing ng mga nanay ay parang sila lang ang nakakakita ng mga gawaing bahay na kailangang gawin. Nakakainis nga naman na kung hindi pa sila magsalita, wala pang matatapos na gawain sa bahay.

    What other parents are reading

    Walang tumutulong

    Narinig niyo na ba ang tinatawag na invisible work? Ito 'yung mga responsibilidad ni nanay na hindi nakikita agaran, ngunit nariyan. Kabilang dito ang pag-iisip ng kakainin, paninigurong maayos ang mga bata, pagmomonitor sa supplies sa bahay at marami pang iba.

    Ito, kasama ng trabaho, pag-aalaga at marami pang iba, ay isa ring dahilan kung bakit minsan, tinotoyo si nanay.

    What other parents are reading

    Pasaway ang mga miyembro ng pamilya

    Mabilis mainis si nanay kapag puro 'mamaya' ang naririnig niya sa tuwing may iuutos siya. Nakakagalit din kapag walang nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya o 'di kaya ay hindi siya sinisunod kapag may sinasabi siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ng mga nanay, tinotoyo sila kapag nakikita nilang puro laro si daddy kahit na marami pang ibang bagay na kailangang asikasuhin sa bahay.

    What other parents are reading

    Walang me-time at personal space

    Lahat tayo ay kailangang mag-recharge. Kung hindi nabibigyan si nanay ng pagkakataon para magpahinga o magkaroon ng panahon para sa sarili niya, malaki talaga ang pagkakataon na mairita at magsungit siya.

    What other parents are reading

    Masyadong maingay sa bahay

    Marami rin sa mga nanay ang aminadong 'triggered' sila kapag maingay ang mga tao sa bahay. Katulad ng kalat, mahirap din itong iwasan, pero kung magtutulungan ang mga adults sa bahay, kayang-kaya itong i-control, hindi man sa buong araw, kahit ilang oras lang para makapagpahinga si nanay.

    Simple lang naman ang hiling ng mga nanay—malinis na bahay, matulunging asawa at mga anak, at kaunting panahon para sa kanilang sarili. Mahalaga sa kanila na mabawasan ang mental load na dinadala nila.

    What other parents are reading

    Ikaw? Paano mo ba sinisigurong nakakatulong ka kay nanay para hindi siya toyoin? Kung nanay ka naman, ano ang malimit na dahilan ng pagkainis mo? I-share niyo lang iyan sa comments section. 

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles