Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 6 Life Lessons Na Natutunan Namin Bilang Ina At Asawa Ngayong 2019

    Salubungin natin ang bagong taon nang may pag-asang maging mas mabisang mga ilaw ng tahanan.
    by Ana Gonzales .
6 Life Lessons Na Natutunan Namin Bilang Ina At Asawa Ngayong 2019
PHOTO BY iStock
  • Maraming kaakibat na hamon ang pagiging ina at asawa—mula pagbubuntis hanggang panganganak at pagpapalaki ng mga bata.

    Kaya naman bago matapos ang taon, nagtanong kami sa mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anu-ano ang mga natutunan nila ngayon taon pagdating sa pagiging ina at asawa. Narito ang ilan na maaaring makatulong sa atin para maging mas mabisang mga ina at asawa sa pagpasok ng bagong taon:

    Bilang ina, maging mabuting halimbawa

    Ayon kay mommy Nie Con, hindi sapat ang pangangaral sa mga anak. “Kung ano ang nakikita nilang ginagawa o attitude ko, ‘yon ang mas ginagawa nila,” pagbabahagi niya. “They follow me more than my words,” dagdag pa niya. 

    Kaya sa susunod na taon, mas piliin mong maging mabuting halimbawa sa iyong anak kaysa ang pangaralan sila. Gaya nga ng experience ni mommy Nie, mas ginagaya talaga ng mga bata ang nakikita nila kaysa sa mga naririnig nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bilang asawa, huwag hayaang magbago ang inyong samahan

    Kwento naman ni mommy Zachiah Ventura, hindi dapat magbago ang inyong samahan bilang mag-asawa. “Kailangan lang magtulungan sa lahat ng bagay para maging masaya ang pagsasama,” sabi niya. “Kailangan maglaan ng kahit kaunting oras para makipagkwentuhan o kumustahan sa mga nangyari sa buong araw kahit na puyat o pagod,” dagdag pa niya. 

    Bilang ina, don’t be too hard on yourself

    Totoo na maraming pressure na kaakibat ang pagiging ina ngunit gaya ng napagtanto ng mga nanay sa Village, walang maidudulot na mabuti ang pagiging masyadong kritikal sa iyong sarili. 

    Sabi ni mommy Katherine Cipriano, minsan ay talaga namang overwhelming ang pagiging ina. “We cannot pour from an empty cup,” paliwanag niya. “We also need to give the same amount of love and care that we are giving our family to ourselves. Do not feel guilty on giving yourself the time to do what you love because it will not make you any less of a mother or as a person. Rest if you must. Unwind if you must. Focus on your family but you also need to take good care of yourself,” sabi niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bilang asawa, huwag maging complacent

    Iyan naman ang natutunan ni mommy Ayeen Valdezco-Regalado. “There should be no complacency when it comes to serving your spouse,” pagbabahagi niya. “Sometimes, we think we're giving enough, but it turns out our spouse needs more. We must be conscious with our spouse's needs physically, emotionally, mentally, and to support him all the way.”

    Bilang ina, amining kailangan mo rin ng tulong paminsan-minsan

    Hindi maikakaila na may pressure maging perfect pag naging nanay ka na. Mahirap alisin iyong pakiramdam na kailangan ay kaya mong gawin lahat. Natutunan ni mommy Karen Anne Rodriguez na minsan, okay lang amining kailangan mo ng tulong.

    Ayon sa kanyang experience, kapag kasi pinipilit mong gawin lahat ng bagay ng ikaw lang, dadating ka sa puntong mapapagog ka at iiksi ang iyong pasensya sa maraming bagay. Tandaan, hindi ibig sabihin na wala kang kwentang ina dahil lang humingi ka ng tulong.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bilang ina at asawa, huwag mong subukang pasayahin ang lahat ng tao sa paligid mo

    Maraming magiging opinyon ang mga tao sa paligid mo tungkol sa pagiging ina at asawa mo. Pinakamaraming opinyon kang maririnig mula sa iyong mga kamag-anak at kaibigan—hindi mo kailangang pakinggan at sundin lahat ng ito. 

    Sabi nga ng mga nanay sa Village, at the end of the day, ikaw pa rin ang mas nakakakilala sa mga anak mo. Ikaw ang pinili ng asawa mo para maging katuwang niya sa buhay, ikaw ang mas may alam kung paano sila tutulungan at aalagaan.

    More from Smart Parenting

    Payo ni mommy Chi Chi Li, ano man ang gawin mo, gaano mo man subukang kontrolin ang mga bagay-bagay, hindi lahat ay mangyayari ayon sa iyong plano. “I learned to loosen up and tried to be still in the middle of everything,” paliwanag niya. “With that, I learned to love myself more—it makes me more confident and because of that, I became a better mom.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamitin mong hudyat ang pagpasok ng bagong taon para magsimulang muli. Iwan mo ang pressure ng pagiging perpektong ina at simulan mo nang mas maging marahan sa iyong sarili. Tulad ng realization ng mga nanay sa Smart Parenting Village, you don’t have to be perfect, you just have to be yourself at okay na iyon sa iyong mga anak at asawa. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles