-
'Parang Sasabog Ang Dibdib Ko' Narito Ang Iba Pang Dahilan Sa Likod Ng Mom Rage
Mas maraming mga nanay ang nakakaranas nito lalo na ngayong may pandemic.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming naka-relate sa pinakahuling isinulat namin tungkol sa mom rage. Dito'y ipinaliwanag namin na ang labis na galit ng isang ina ay maaaring nagmumula sa mga pangangailangan niyang hindi niya nakukuha.
Bukod pa rito, anu-ano pa nga ba ang maaaring dahilan sa likod ng mom rage? Paano mo ito maiiwasan? Bakit mas maraming nanay ang nakakaranas ng mom rage ngayong may pandemic?
Ano nga ba ang mom rage?
Ipinaliwanag ito ng isang nanay sa pamamagitan ng isang article sa New York Times. Ayon kay Minna Dubin, mom rage ang tawag sa nararamdaman mong labis na galit, maaaring habang ika'y nagbubuntis, pagkapanganak mo, at minsan, hanggang sa pagiging toddlers ng mga anak mo.
Malimit itong pag-usapan sa mga online communities ng mga nanay, kabilang na ang aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Maraming dahilan kung bakit nakakaramdam ng labis na galit. Narito ang ilan sa kanila:
Bakit nagkakaroon ng mom rage?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakaramdam ka ng pag-iisa
Walang kasing saya ang pagiging magulang, ngunit hindi maikakaila na marami itong kaakibat na hamon. Kung pakiramdam mo ay mag-isa mong hinaharap ang mga hamong ito, sapat na itong dahilan para magkaroon ka ng mom rage.
Mapapansin mong nagiging mainitin ang ulo mo kahit sa maliliit na bagay. Maiksi rin ang pasensya mo sa mga anak mo, lalo na sa iyong asawa.
Para maiwasan ito, importanteng sabihin mo sa partner mo na hindi mo nararamdamang dalawa kayong magkatuwang sa pagiging magulang. Sa ganitong paraan, mapag-uusapan ninyo kung paanong hahatiin ang inyong mga responsibilidad sa inyong tahanan, sa inyong mga anak, at sa isa't-isa.
Pwede ka ring sumali sa mga parenting o mom groups para makausap mo ang mga magulang na tulad mo.
Magkakalayo man ang ating mga pisikal na katawan, hindi ibig sabihin nito na magkakalayo rin ang ating mga isipan. Sa pakikihalubilo mo sa kapwa mo mga nanay mararamdaman na hindi ka nag-iisa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNakakaramdam ka ng labis na pressure
Ang mga opinyong nababasa mo sa social media ang maaaring maging dahilan kung bakit nakakaramdam ka ng labis na pressure para maging isang 'perfect mom'.
Importanteng malaman at maintindihan mo na walang perpektong nanay. Kung ano man ang pinipili mo para sa mga anak mo, makakasiguro kang ito ang pinakamabuti para sa mga anak mo dahil ikaw ang nanay nila at alam mo kung ano ang pinakamainam para sa kanila.
Maging maingat ka sa paggamit ng social media, dahil madaling mawala sa ingay nito. Hindi mo namamalayan, unti-unti nang nawawala ang confidence mo sa iyong parenting skills at choices. Tandaan na iba-iba tayo ng pamamaraan sa pagpapalaki ng ating mga anak at walang isang paraan para gawin ito.
Pagod ka
Sabi nga nila, 24-hours ang pagiging nanay. Hindi ito tumitigil at wala itong hangganan. Kaya naman hindi nakapagtataka (at normal lang!) na makaramdam ka ng labis na pagod.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaramihan ng mga nanay ay nakakaramdam ng labis na guilt sa tuwing mamamahinga sila. Kung isa ka sa mga nanay na ito, importanteng maintindihan mo na hindi masamang magpahinga. Sa katunayan, mas maaalagaan mo ang iyong pamilya kung nakakapagpahinga ka ng maayos.
Iwasan ang pagpupuyat kung maayos na ang sleeping pattern ng anak mo. Siguraduhin mo ring bahagi ng araw mo ang oras mo para sa iyong sarili. Kung hilig mo ang panonood ng K-drama, isama mo ito sa schedule mo. Kung mahilig kang magbasa, magtanim sa iyong hardin, o kung ano pa man, siguraduhin mong bibigyan mo ito ng panahon.
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapag nasanay ka nang isama sa schedule mo sa pang araw-araw ang mga hilig mong gawin, mas magiging magaan ang pakiramdam mo.
Huwag mo ring kalimutang humingi ng tulong kapag hindi mo na kaya. Hindi kakulangan sa pagiging nanay mo kung hihingi ka ng tulong.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ilan lamang ang mga ito sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ang mga nanay na tulad mo ng mom rage. Huwag kang mahiya kung nakakaramdam ka nito. Sa dami ng mga pinagdadaanan natin ngayon, normal lang na ma-overwhelm ka.
Makakatulong ang mga healthy habits tulad ng pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansiyang pagkain, at pagtulog nang nasa oras para maiwasan mong malungkot dahil sa labis na stress.
At kung maramdaman mo mang nag-iisa ka at wala kang makausap, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments