embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Bagay Na Dapat Gawin Kung Nakaranas Ang Iyong Anak Ng Cyberbullying
PHOTO BY iStock
  • Malawak na ginagamit sa mga social media ngayon lalo na sa Twitter ang hashtag na #NOTOCYBERBULLYING. Bakit nga ba ito ang malaking usapin ngayon? Alam nating lahat na nasa panahon na tayo ng digital age na lantad sa paggamit ng teknolohiya ang mga bata dahil na rin sa kanilang pagiging tech-savvy.

    Kailan nga ba nagsimula ang mga usapin tungkol sa cyberbullying?

    Nagsimula ito dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Taong 1990 nang mas maging abot-kaya ang pagkakaroon ng personal computer. Mas tumindi pa ang usapin tungkol sa cyberbullying sa kalagitnaan ng taong 2020 kung saan nagsulputan at naging patok ang pagkakaroon ng smartphone.

    More from Smart Parenting

    Ano ang cyberbullying?

    Ito ang ano mang uri ng paninirang-puri, pang-aabuso o pananakot gamit ang teknolohiya. Ang cyberbullying ay isang uri ng bullying na nangyayari sa pamamagitan ng digital technology. Kabilang na dito ang mga social media networks, text o instant messages, at emails.

    Nakararanas ng harassment ang isang indibidwal o grupo gaya ng personal na pag-aakate, paninira, o ibang bagay na hindi mabuti o nakasasama sa kaniyang pagkatao at may kaakibat na krimen gamit ang computer o smart phones o anumang gadget.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang cyberbullying ay unang ginamit noong 1998. Inilalarawan nila ito na isang electronic posting ng hindi kilalang tao para manudyo o manira ng isang personalidad.

    Bagaman sa paglipas ng panahon at malawakang pag-unlad ng digital world, nagkaroon pa ito ng iba’t ibang pakahulugan. Maaaring tumukoy rin ito sa isang kagustuhan at paulit-ulit na pananakit o pananakot sa isang tao gamit ang computer, mobile phone at iba pang electronikong kagamitan.

    Ang mga halimbawa ng cyberbullying ay harassment—pagpapadala ng masasakit na mensahe; cyberstalking—isang uri ng harassment sa pagpapadala ng bastos na mensahe o pananakot; exclusion—kabilang dito ang pag-aalis o pagtatanggal ng isang tao sa mga social media chat room; outing—pagbabahagi ng mga pribadong mensahe, larawan o ibang impormasyon ng biktima para ipahiya ito sa madla; fraping—pakikialam o panghihimasok sa social media profile ng iba at pagpapaskil ng mga hindi magagandang bagay gamit ang pangalan nito; at masquerading—kapag gumagamit ng ibang identidad o pagpapanggap na ibang tao para mambully o siraan ang biktima.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ano ang epekto ng cyberbullying?

    Ayon sa UNICEF, humigit sa 70 porsyento ng mga kabataan sa buong mundo ang apektado ng mga pang-aabuso sa online portal o media. 

    Sabi pa ng UNICEF, lubos na mapanganib ang cyberbullying dahil napakabilis ng pagkalat nito sa malawakang awdyens dahil sa teknolohiya. Madali ang pagbabahagi ng mga impormasyon ngayon sa isang click lamang. Maaari ding manatili ang pambu-bully at ma-access online nang paulit-ulit ng mga tao ito at masundan o mamanmanan ang biktima.

    More from Smart Parenting

    Sa Pilipinas, sa isinagawang National Baseline Survey on Violence Against Children, karaniwan na naaapektuhan ang halos kalahating populasyon ng mga kabataan na nasa edad 13 hanggang 17 na nasa 44 bahagdan sa kalalakihan at 43 bahagdan naman sa kababaihan. Ipinapakita rin ng pag-aaral na ito na sangkatlo ng mga kabataang Pilipino ang nakararanas ng verbal abuse sa internet.

    Karaniwang nagiging sanhi ito para hindi na pumasok sa paaralan ang bata. Liban pa sa pagkalulong sa bisyo gaya ng bawal na gamot, pag-inom ng alak, nagdudulot din ito ng kawalan ng gana sa pag-aaral kaya bumababa ang kanilang marka, pagbaba rin ng tiwala sa sarili, at pagkakaroon ng mga suliraning pangkalusugan. Sa mas malala pang sitwasyon, maaaring humantong ito sa suicide.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Anong dapat gawin kapag nakakaranas ng cyberbullying?

    Dahil sa patuloy na paglaganap ng kaso nito, inilunsad ng UNICEF ang Safer Internet Day na ipinagdiriwang ng buong mundo tuwing Pebrero 5 bilang paalala sa lahat na maging mabuti  (online o offline man) at responsable sa paggamit ng online media na dapat magsimula sa ating mga sarili. Hinihikayat ng UNICEF na magtulungan at makiisa ang lahat para maging ligtas na espasyo ang online world.

    Sa Pilipinas, inilabas ang Anti-bullying Act ng 2013 na sumasaklaw sa anumang uri ng pambu-bully, pang-aabuso o paninirang-puri. Sa ilalim nito ang mga kabataan maging matatandang biktima ay maaaring makakuha ng legal na tulong mula sa ginawang probisyon sa Cybercrime Law. Para sa gumagawa ng ganitong krimen, tandaan na may batas na maghahatol sa kanila kapag napatunayan ito.

    Ipaalam agad sa mga kinauukulan

    Mahalaga na ibahagi ito sa mga nakatatanda o awtoridad.  Sa batas, kailangan na magsagawa ng imbestigasyon ang paaralan sa pangunguna ng prinsipal. Sa mga matatanda, sabihin ito sa kapamilya o  taong pinagkakatiwalaan mo. Kung sa trabaho ito nangyayari, mahalaga na ipaalam ito sa inyong Human Resouce Department.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Itago ang ebidensya

    Tandaan: Huwag agad buburahin ang anumang natanggap na mensahe, email, o post na may kinalaman sa cyberbullying. Kunan agad ito ng larawan o screenshot saka itabi upang magamit na ebidensya. 

    I-block o harangin ang account ng taong gumagawa sa iyo ng harassment

    Huwag nang makipag-usap o i-entertain ito. Mas binibigyan mo ng kapangyarihan ang mga bullies kung papansinin mo sila at magpapaapekto ka sa sinasabi nila.

    More from Smart Parenting

    Umiwas muna sa paggamit ng social media

    Mag-online ka lang kung kinakailangan. Lumayo muna sa mundo ng Internet. Makakatulong sa iyo kung magsasagawa ka ng tinatawag nilang 'social media detox'.

    Huwag matakot humingi ng legal advice

    Kung patuloy na makakaranas ang inyong pamilya ng cyberbullying, mas makabubuting humingi kayo n tulong sa mga eksperto.

    More from Smart Parenting

    Dapat bang magbago ang parenting style mo ngayong digital na ang mundo?

    Noon, mga simpleng bagay lamang ang itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nariyan ang tamang asal at mga mabuting paraan ng pakikisalamuha sa iba. Ngayong digital na ang mundo at laganap na ang paggamit ng social media at teknolohiya, ang mga batang ipinapanganak ngayon ay itinuturing nang mga digital natives. Marami sa kanila ang ipinanganak at kasalukuyang lumalaki na bukas sa paggamit ng teknolohiya. Sa katunayan, minsan ay labis na nga ang exposure ng mga bata sa iba't-ibang social media platforms

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman malaking hamon sa mga magulang ngayon na maturuan silang ligtas sa paggamit ng social media, paghahanap ng mga laro na makatutulong sa pagdevelop ng kanilang mga kakayahan habang nararanasan naman nila ang magkaroon ng kasiyahan sa mga ito. Mahalaga sa mga magulang ngayon ang tamang paggabay sa kani-kanilang mga anak sa panahong ito ng digital age. Maaaring makatulong ang mga bagay na ito:

    • Pumaloob sa mundong ginagalawan ng iyong anak sa online media
    • Pag-aralan o alamin ang mga binibista o ginagamit niyang online media
    • Ituro sa iyong anak ang tamang paggamit ng mga online media 
    • Panatilihing natitiyak na malusog at ligtas sila habang gumagamit  ng online media
    • Manatiling nakasubaybay sa mga pagbabago sa mundo ng digital

    Ang lumalawak na problema ng cyberbullying ay hindi lamang nasa kamay o pananagutan ng mga bata,magulang, kundi ng kanilang mga guro at ng pamahaalaan. Subalit higit sa lahat, nakasalalay sa malawak na miyembro ng komunidad ng online media at gumagamit ng teknolohiya ang responsibilidad na ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles