embed embed2
  • Anu-Anong Mga Isinakripisyo Mo Nang Maging Nanay Ka?

    Hindi lahat ay nakakaalam na may mga bagay kang kinailangang panadaliang itigil para sa iyong pamilya.
    by Ana Gonzales .
Anu-Anong Mga Isinakripisyo Mo Nang Maging Nanay Ka?
PHOTO BY iStock
  • Mahirap na masarap maging ina. Mahirap dahil intimidating ang katotohanan na may responsibilidad ka nang mag-alaga ng isang maliit na bata na hindi mabubuhay ng maayos kung hindi mo aasikasuhin. Mahirap dahil paiba-iba ang sleeping patterns niya. Minsan ayaw niyang kumain. Minsan iiyak siya, pero hindi mo alam kung bakit.

    Mahirap maging nanay kasi mahuhusgahan ka sa mga choices mo para sa iyong pamilya. Mahirap kasi hindi mo alam kung tama ba ang ginagawa mo.  

    Pero masarap ding maging ina. Lalo na kapag ngingitian ka ng anak mo dahil masarap ang tulog niya—kahit ikaw inabot lang ng isang oras o minsan wala pa nga. Masaya maging ina kapag nakikita mong tinatamaan niya ang mga milestones niya. Masaya maging ina kapag nakikita mong napapalaki mo ng tama ang iyong anak. 

    Bahagi rin ng pagiging ang pagsasakripisyo. Kaya naman nang magkwentuhan ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village tungkol sa mga bagay na isinakripisyo nila nang sila’y maging ina, hindi kami nagulat sa aming mga nakita. Narito ang ilan sa mga bagay na ayon sa kanila ay kinailangan nilang isakripisyo:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Career

    Laging dilemma sa mga nanay kung babalik pa ba sila sa trabaho o hindi na. Karamihan sa kanila ay piniling tumigil sa pagtatrabago para maalagaan ang kanilang mga anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bagaman may ilan na natakot, nalungkot, at bahagyang nagsisi sa kanilang desisyon, ang kanilang mga anak na rin mismo ang nakapagpatunay na tama ang pinili nila. Ngayon, bagaman wala na silang ‘career’ na matatawag, fulfilled sila sa kanilang mga choices bilang mga nanay.

    More from Smart Parenting

    Social life

    Kasunod ng career, kwento ng mga nanay ay kinailangan din nilang isakripisyo ang kanilang social life. Bawas na muna sa paglabas kasama ang mga kaibigan. Wala na munang ‘gimik’ o late nights out.

    Para sa mga nanay, hindi naman kailangang malungkot kung hindi na masyadong nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Magbabago lang ang circle of friends mo at mababawasan ang iyong paglabas-labas, pero mayroon ka pa rin namang kaunting social life.

    More from Smart Parenting

    Privacy

    Kapag may anak ka na, buong araw, halos minu-minuto ay kasama mo ang anak mo. Kwento pa nga ng mga nanay, kahit nasa banyo na sila, kasama pa rin nila ang mga anak nila. Natutunan na nga raw nilang kumain na gamit lang ang isang kamay. Kaya na rin nilang maligo sa loob lang ng limang minuto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit ang sex life ni mommy at daddy, minsan ay nasasakripisyo na rin.

    More from Smart Parenting

    Oras para sa sarili

    Kung dati ay marami ka pang oras para magpasalon o hindi naman kaya ay mag-pursue ng mga hobbies mo, siguradong nahirapan kang magbalanse ng oras nang maging nanay ka na. 

    Ilan sa mga nanay sa Village ang nagsabing nawalan sila ng oras para sa mga sarili nila, maging sa mga hobbies nila tulad ng pagpunta sa gym, pag-akyat ng mga bundok, pagsayaw, at iba pa. Kung sa ilan ay nawala nang tuluyan ang panahon nila sa hobbies, sa iba naman, nabawasan lang ang panahon at nagbago ang paraan ng kung paano nila ito ginagawa.

    May mga nanay na nag gygym pag nariyan si daddy na nagbabantay at mayroong isinasama na sa bundok ang anak nila. Ayon sa kanila, hinahanapan na talaga nila ng paraan para magawa pa rin nila ang kanilang mga hobbies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Tulog

    Tawa naman ng tawa ang mga nanay nang ibahagi nilang tulog ang isinakripisyo nila nang maging mga nanay sila. Ayon sa kanila, hindi na raw nila matandaan kung kailan ang huling beses na nakatulog sila ng maayos. 

    Marami sa mga nanay ang sumang-ayon na talaga namang mawawalan ka ng panahong matulog dahil pabago-bago ang tulog ng anak mo at minsan naman, kapag tulog ang mga bata, hindi ka rin makatulog dahil marami ka namang aasikasuhing gawaing bahay.

    Ilan lamang ang mga ito sa ibinahagi ng mga nanay na kinailangan nilang isakripisyo nang sila'y maging mga ina. Pero ayon sa kanila, lahat ng mga sakripisyo nila ay worth it ng sobra-sobra. Hindi nila ipagpapalit sa ano mang luho o ano pa ang kanilang experience bilang mga ina. 

    Ikaw? Anong isinakripisyo mo nang maging nanay ka? I-share mo lang sa comments section. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles