embed embed2
  • Lampas isang buwan pagkaraang manganak sa kanyang second baby ay balik-trabaho na si Cai Cortez. Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram account noong January 27, 2020.

    Aniya, “Today is the first day I go back to work. The saying that it takes a village to raise a child really rings true. Nagpapasalamat ako that I’m surrounded by family that supports me and supports my career.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang versatile actress ay kabilang sa cast ng recently launched drama series ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng upcoming movie ng Viva Films na Tililing. 

    Pag-amin pa niya, “Kahit hirap na hirap ako iwan si Baby, mas kampante ako kasi the husband as much as possible tries to work from home para magbantay. Because of them, I get to have peace of mind to focus on my craft and continue growing as an artist. In short, tumatanggap na po ng labada.”

    More from Smart Parenting

    Kasal si Cai kay Wissem Rhami, isang Tunisian businessman. May dalawa silang anak: Ang panganay na si Bibo, 3 years old, at ang bunso na si Carmen, na isinilang noong December 5, 2019. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isa pa niyang Instagram post ay ipinakita ni Cai sa pamamagitan ng video kung paano makipaglaro si Wissem kay Baby Carmen. Tuwang-tuwa ang bata sabay labas pa ng dimple sa kanyang pingi. 

    Sa naunang panayam ni Cai sa SmartParenting.com.ph ay ikinuwento niya kung paano siya sinuportahan ni Wissem noong ipinagbubuntis pa niya si Baby Carmen. Hindi daw nakakaligtaan ng kanyang mister na kumustahin ang kanyang kalagayan pati na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sinasabayan din daw siya sa kanyang checkups at ibinibigay ang kanyang mga pangangailangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakilala sina Cai at Wissem sa dating app na Tinder at kalaunan ay ikinasal noong July 15, 2016. Si dating Manila mayor Joseph Estrada ang nagkasal sa kanila sa pamamagitan ng civil wedding ceremony. Noong taon din iyon ay isinilang niya ang kanilang panganay na si Bibo noong December 21.

    Nag-iba na daw ang kanyang buhay bilang dating party girl noon at ngayon ay wife at mother. Lahad niya. “Parang biglang may shift, so ’yun ang mga adjustments natin sa buhay ngayon. I’m enjoying very much. And sinasakyan ko lang ang agos ng buhay.”

    More from Smart Parenting

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit maging abala man si Cai sa trabaho ay priyoridad pa rin ang mga bata. Sabi nga niya sa isa pang Instagram post, “Minsan super busy natin as moms na kahit kasama natin mga anak natin, di pa rin natin nabibigay 100% attention natin sa kanila. Yes, physically magkasama kayo pero yung utak natin nasa work, or nasa social media, or with our friends.”

    Paalala pa niya, “Guilty din ako minsan jan. Kaya ang sarap lang minsan bitawan lahat, maglatag sa sahig at makipaglaro. Magpapakabata ka rin. To speak their language and to play their games, sakyan yung mga imagination nila. 

    “Ang sarap ng feeling na happy siya hindi dahil binilan mo siya ng laruan or dinala sa magandang lugar, or sinubuan ng lollipop, happy siya kasi kalaro niya mama niya.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles