embed embed2
  • Paano Nabago Ng Isang Ina Ang Pagkukumpara Lagi Sa Mga Anak: 'Wag Tayong Magmadali'

    Ikinwento niyang minsan na rin siyang nagkamali dahil ikinukumpara niya ang mga anak niya.
    by Karen Mei Caro .
Paano Nabago Ng Isang Ina Ang Pagkukumpara Lagi Sa Mga Anak: 'Wag Tayong Magmadali'
PHOTO BY courtesy of Karen Mei Caro
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Bawat bata ay natatangi at espesyal. Para silang matingkad na bahaghari na pumapalamuti sa maaliwalas na kalangitan. Iba-iba ang kulay at anyo ngunit hindi maikukumpara ang hinahatid nilang saya sa atin. Napatunayan ko 'yan sa dalawang anak ko.

    Si Gio, 'yung panganay ko, napakabilis niyang matuto. Nakamamangha ang talino niya. Wala pa siyang dalawang taon noon pero kabisado na niya ang alphabet, numbers, colors, shapes, at marami pang iba.

    Alam din niya ang world flags at periodic elements. Noong tatlong taong gulang siya, magaling na siyang magsulat at magbasa. Marunong na din siyang gumamit ng laptop at mag-search sa YouTube at Google.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahat, sariling diskarte niya lang kaya nagugulat na lang ako sa tuwing may ipakikita siyang bago sa akin. Mas gusto din niya na mag-isa at nasa kwarto lang. Bihira siyang maglaro sa labas. Kahit ngayon na nine years old na siya, hindi pa rin nagbabago ang mga hilig niya.

    Si Eko, ang aking bunso, sa tingin ko, siya 'yung tipikal na bata na 'yung kakayahan niya ay akma lang sa edad niya. Madaldal, masarap kausap. Nalilibang siya sa pagkukulay, pagdo-drawing at pagpe-paint. Mas gusto niyang maglaro at manood kaysa magsulat at magbasa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag tinuturuan ko siya, nakalilimutan niya agad. Kailangan paulit-ulit para matandaan niya. Kaya minsan, hindi ko maiwasang ikumpara siya sa kuya niya—na sana ganoon din siya kagaling. Na sana mabilis din siyang matuto.

    Pero mali pala 'yun. Mali na pilitin ko siya na gayahin ang kuya niya kasi magkaiba sila. Kaya nakokonsensiya ako lalo na kapag nakikita ko siya na nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ramdam ko 'yun. Bigla siyang lalayo sa akin. Hindi siya magsasalita at tahimik na hihikbi sa isang tabi. Masakit isipin na ako na mismong nanay niya ay walang tiwala sa kanya. Na dapat ako ang nakaiintindi sa kanya, na dapat ako ang nagsasabi na kaya niya pero ako pa ang unang nanghuhusga sa kakayahan niya.

    Mga mommy at daddy, sana huwag nating ikumpara ang mga anak natin sa isa't-isa o kaya doon sa anak ng kumare natin kasi 'yung anak niya ay magaling nang magbasa at achiever sa eskwelahan.

    Diyan nagmumula ang mga insecurities ng mga bata. Masakit ang maikumpara sa iba. Alam naman natin ang pakiramdam, 'di ba?

    Kung hindi man sila nangunguna sa klase, hindi ibig sabihin no'n ay may kulang o mali sa kanila. Magniningning din sila katulad ng ibang bata pero sa ibang paraan.

    Hayaan natin sila na maglaro at maging masaya kasi minsan lang sila maging bata. Kailangan nating unawain ang bawat yugto na pinagdadaanan nila. Huwag tayong magmadali. Bigyan natin sila ng pagkakataon na tuklasin ang angkin nilang galing at talento. Mayroon 'yan, imposibleng wala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ako perpektong nanay. Marami akong maling desisyon sa buhay. Marami din akong nagagawang kapalpakan. Ngunit doon din ako natuto.

    Kaya naman, araw-araw kong sinisikap na maging mas mabuting ina sa aking mga anak. Na mamahalin ko sila nang buong-buo. Walang kondisyon.

    Walang grades na dapat patunayan. Walang mas paborito. Walang mas magaling. Ang mahalaga, may takot sila sa Diyos, may mabuti silang puso, at marunong silang rumespeto sa kanilang kapwa.

    Minsan, nakapapagod din ang maging ina. Minsan, iiyak ka na lang at parang hindi mo na kaya. Ngunit katulad ng bahaghari, ang mga anak ko ang nagpapaalala sa akin na pagkatapos ng ulan ay laging may panibagong pag-asa.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles