Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Vlogger Kryz Uy-Young, 'This Is It, Guys. We Are Pregnant!'

    Bakit nga ba hindi agad ibinahagi ng vlogger sa publiko ang kanyang pagbubuntis?
    by Ana Gonzales .
Vlogger Kryz Uy-Young, 'This Is It, Guys. We Are Pregnant!'
PHOTO BY @thatguyslater/Instagram
  • Marso nitong taon, isang buwan matapos ang kanilang kasal, ay ibinahagi nina Kryz Uy at Slater Young sa kanilang followers ang progress ng kanilang bahay sa Cebu. Mayroon itong modern Asian design at tinawag nila itong Skypod mula sa initials ng mga pangalan nila: Slater Kryz Young. 

    November 30 ngayong taon naman nang masayang ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang followers na madadagdagan na ang kanilang pamilya. Sabi ni Kryz sa kanyang blog, “I’m almost at the end of my first trimester.” Ayon pa sa kanya, isa itong ‘amazing rollercoaster ride’.

    More from Smart Parenting

    “It’s totally a whole new world for me! I’m even taking naps now in between work on weekdays and can spend the whole day lounging around with Slater while we re-watch episodes of Friends,” kwento niya.

    Makikita mo sa kanyang vlog ang aktwal na sandali kung saan siya nagpregnancy test at lumabas ang dalawang linya na nagkukumpirmang buntis nga siya. Masaya at mangiyak-ngiyak niyang ibinahagi ito sa kanyang YouTube followers. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kalagitnaan ng video, ipinaliwanag ni Kryz kung bakit hindi niya agad ibinahagi sa iba ang kanyang pagbubuntis. “The reason why I kept it a secret for so long is because the risk of miscarriage is very, very high at the early stages or the first trimester of your pregnancy,” sabi niya. “Now that I’m about to enter my second, I feel like it’s about the right time that I can finally share it with you,” dagdag pa niya.

    More from Smart Parenting

    Paano nga ba sinabi ni Kryz kay Slater na buntis siya? “Finally, when we got home, I told him, ‘I have a little pasalubong for you. Open it in front of the camera because the viewers know what it is,” kwento niya.

    Nang tanungin ni Kryz si Slater kung anong nararamdaman nito, ikinwento ng Pinoy Big Brother winner na siya’y excited. “I feel nervous and I feel very motivated,” sabi nito. “I’m excited for a boy,” kwento ni Slater habang si Kryz naman ay excited na magkaroon ng baby girl—ngunit okay lang din daw kahit na baby boy. “Any, basta healthy lang,” sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ikinwento rin ni Kryz na ang vlog niya ay kasabay niya sa paglaki, kaya naman makakaasa ang kanyang followers na makakita ng mga family-style content. “This vlog and this channel grows with me and this little family,” paliwanag ni Kryz. “You guys got to experience me in my 20s and then meeting Slater, getting married, moving into the Skypod, and now this is a totally new chapter,” kwento niya. “It’s completely new, so I’m sure that there are going to be a lot of challenges ahead, but we’re ready for it.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles