Ibinahagi ni Buboy Villar ang setup nila ng ex-fiancée na si Angillyn Gorens pagdating sa co-parenting ng dalawa nilang anak.
Kasalukuyang nasa U.S. si Angillyn, isang American citizen, at ang panganay nila ni Buboy na si Vlanz, 5.
Nasa poder naman ni Buboy rito sa Pilipinas ang bunso nilang si George, 3.
“Ngayon, yung panganay ko nasa Amerika kasi inaayos yung U.S. citizenship niya para maging Amerikana siya,” kuwento ni Buboy sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, May 22, 2023.
Gayunpaman, regular daw ang video call ni Buboy sa anak, na hindi naman ipinagkakait ng kanyang dating partner.
Taong 2016 nang kumpirmahin nina Buboy at Angillyn na nagli-live na sila.
Sinabi ni Buboy na napagdesisyunan nilang maghiwalay noong 2018, subalit sinubukan pa nila itong ayusin.
Pero 2020 nang kumpirmahin ni Angillyn na hindi na talaga ito nag-work out.
READ ALSO: Buboy Villar Swears He Will Not Be Like His Dad: 'Dati Galit Ako Sa Tatay Ko'
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Co-parenting ala LDR
Sabi ni Buboy, co-parenting sila ni Angillyn sa tulong ng mga magulang ng huli.
“Nakikinig rin talaga kasi sa mga payo ng mga magulang niya, of course, kasi sila din talaga ang nakakaalam kung paano talaga magpalaki, ano pa yung nasa magandang future ng mga anak namin.
“Dagdag na lang din po kami,” ani Buboy.
Habang si Angillyn ang nag-aalaga sa panganay nila ni Buboy sa U.S., ang bunso naman nila ay inaalagaan ni Buboy katuwang ang kanyang mga magulang.
Iniiwan daw ni Buboy sa kanyang mga magulang ang bunsong anak kapag busy ito sa trabaho.
Inusisa si Buboy kung hindi ba mahirap na magkawalay sila ng panganay na anak na nasa ibang bansa kasama ang ex.
Paliwanag ni Buboy, para rin naman sa kapakanan ng kanyang mga anak ang ginagawa niyang sakripisyo.
Aniya, “Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko. Kayod ako nang kayod hangga’t kaya.
“Gusto ko lang naman, e, maranasan nila yung buhay na di ko naranasan noon.
“Si Vlanz, nandun siya talaga kasi inaayos lang. Pero actually, dito na talaga sila sa Pilipinas for good.
“Ginawa lang U.S. citizen ang anak ko in case lang pag merong matatakbuhan ba.
“Para sa future, mas okay, mas mawalak yung ginagalawan nila.”
READ ALSO: Five Co-Parenting Lessons We Can Learn From Ex-Celeb Couples And Their New Partners
Inusisa rin si Buboy kung bakit naghiwalay sila ni Angillyn.
Sagot ng Kapuso comedian, “Dahil nga bata pa kami, marami din kaming pinagdaanan din talaga.
“Patience, time… kasi lalo na sa akin, parang sobrang workaholic ako, di ko talaga mabigay yung time ko as a partner.”
Sa kabila nito, tiniyak ni Buboy na “goods” sila ng kanyang ex na si Angillyn.
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW