-
Bullied Husbands! May Helpline Nang Tutulong Sa Inyo, Ang BHCC
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang nakakatawa at nakakaaliw na Instagram video, opisyal na ngang ipinakilala ng first-time dad at #BulliedHusband na si Nico 'El Padre' Bolzico ang 'helpline' na siyang magiging takbuhan ng mga kapwa niya bullied husbands. Ito ang The Bullied Husbands Club Cares (BHCC).
"This is basically a very safe space for all the Bullied Husbands Club members," paliwanag ni Nico. "[This is where] we receive SOS messages and we help them out."
Ayon pa sa kanyang Instagram post, layunin nilang tulungan ang lahat ng mga husbands basta wala kang ginawa para mainis ang iyong asawa.
Nagpatuloy ang video sa pagbabasa ni Nico ng mga 'concerns' ng mga miyembro ng BHC. Isa sa mga unang 'humingi ng payo' ay ang vlogger at content creator na si Wil Dasovich, ang kasintahan ng gamer at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao.
Ang concern ni Wil: Ano nga bang gagawin kung hinahanap na ng partner mo ang pagkain na kinain mo na? Payo ni El Padre, "You are guilty as charged, we cannot help you with that." Dagdag pa niya, "We will not poke the dragon."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSumunod na humingi ng payo ang kakakasal lamang at bagong miyembro ng BHC na ni Matteo Guidicelli. Ang kanyang concern? Nagbigay daw kasi si Matteo ng 'recommendation' nang magluto ang kanyang misis na si Sarah Geronimo ng Japanese Souffle Cheesecake.
Payo ni Nico, kung hindi babasahin ni Matteo ang Bullied Husband's Club Manual, hindi nila siya matutulungan. Ayon daw kasi sa Chapter 55 ng naturang manual, "When your wife cooks and feeds you, NEVER give any recommendations. Just say thank you and it's good."
Ang huling lumapit sa BHCC para humingi ng payo ay ang TV host, aktor, at film producer na si Dingdong Dantes. Ayon sa kanyang 'sulat,' hindi raw naging masaya ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa paraan niya ng paghuhugas ng plato, lalo na kapag cheesy broccoli cups ang niluto ng aktres.
Sabi ni Nico, apat na beses nang itinuro sa BHC ang tamang paghuhugas ng plato. Kung hindi pa rin ito makuha ng mga miyembro ay hindi sila matutulungan ng BHCC.
Kung ikaw ay isang #BulliedHusband at kailangan mo ng payong tatay, pwedeng-pwede kang lumapit sa BHCC. Sabi nga ni El Padre Nico, "We never fail a soldier. The Bullied Husband Club really cares."
What other parents are reading
CONTINUE READING BELOWwatch now

- Shares
- Comments