embed embed2
  • Ayon Kay Chesca Garcia-Kramer: 'Anxiety Begins When There's Mom Shaming.'

    Ano nga bang dapat gawin kung mayroon kang overwhelming thoughts at nakakaramdam ka ng anxiety?
    by Ana Gonzales .
Ayon Kay Chesca Garcia-Kramer: 'Anxiety Begins When There's Mom Shaming.'
PHOTO BY Chesca Garcia-Kramer/Instagram
  • Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa sa pinaka madalas itanong ng mga nanay ay kung tama ba ang ginagawa nila. Mayroon ding nagpapahayag na nagkakaroon sila ng self-doubt dahil na rin may mga kumukwestyon sa mga desisyon nila para sa kanilang pamilya. 

    Nang magkaroon kami ng pagkakataong humingi ng payo kay celebrity mom Chesca Garcia-Kramer, agad kaming nagtanong sa Village members kung mayroon ba silang gustong malaman. Maraming magagandang tanong ang ipinadala ng Village members, ngunit ang tanong ni mommy Margarita Barrameda ang isa sa pumukaw sa aming atensyon: "How do you deal with overwhelming thoughts and anxiety?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Game na game namang sinagot ito ni Chesca at hindi maikakailang maaari mong gawing daily mantra ang sinabi niya. "Overwhelming thoughts and anxiety begin when there's mom shaming," pagsisimula niya ng may ngiti. "I usually notice na moms feel inadequate when they compare their lives to other moms, thinking that they are not doing enough for their children or they're not doing enough when it comes to their family," dagdag pa niya.

    "My number one advice would have to be, shut that all off."

    Para sa hands-on mom nina Kendra, Scarlett, at Gavin, ang pinaka mahalaga ay ang pagmamahal ng ating mga anak at huwag makinig sa sinasabi ng iba. "My number one advice would have to be, shut that all off. The most important thing is that your children love you and you love them and you know the kind of love that you have for them. Nobody else will know how to parent your children except you," sabi niya. Ayon pa sa kanya, tayo ang nakakakita sa ating mga anak at tayo ang nagpapalaki sa kanila. Kailangan nating magtiwala sa ating mga sarili. Kailangan nating magtiwala sa mga bagay na kaya nating gawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sinabi rin niyang mahalaga na huwag mong ikumpara ang sarili mo sa ibang mga nanay. Huwag mong ikumpara ang mga anak mo sa ibang mga bata. Iba-iba sila at iba-iba ang mga ina. Dagdag pa ni Chesca, importante ring paligiran mo ang sarili mo ng mga taong nagmamahal sayo at suportado ang mga desisyon mo para sa iyong pamilya. Makinig ka laman sa advice ng mga taong alam mong nagco-comment dahil may genuine concern at pagmamahal sila sa iyo at sa iyong pamilya.

    What other parents are reading

    Pagdating naman sa samahan ng mag-asawa, itinanong namin kung ano nga ba ang sikreto sa isang matagumpay na pagsasama. Ayon kay Chesca, importanteng irespeto ninyo ang isa't-isa. "For Doug and I, the secret to a happy marriage is to respect each other's roles. I'll do what I have to do and Doug will do what he has to do and everything will follow," paliwanag niya. "Never forget, you are already one."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nang tanungin namin kung anong ibig sabihin nito, sinabi niyang kailangang mahalin mo ang asawa mo kung paano mo gustong mahalin ka. "Love your spouse the way you would want to be loved. Would you want to harm yourself? Of course not! So it's the same thing."

    Mayroon ka bang gustong itanong sa iyong paboritong celebrity o influencer parent? Maaari mo itong i-share sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles