embed embed2
Ang Sikreto Ni Chesca Garcia Para Kumain Ng Okra Ang Mga Anak
PHOTO BY Instagram/chekakramer
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Naiintindihan nila Chesca Garcia-Kramer at Riki Flores-Reyes ang hinaing ng tulad nila mommies na may mga anak na picky eaters. Dumaan kasi ang kani-kanilang unico hijo — sina Gavin Kramer at Calix Reyes — sa pagiging pihikan sa pagkain.

    HOW TO GET YOUR KIDS TO EAT RIGHT! 

    Nagbigay sila ng tips na mula mismo sa kanilang mga karanasan nang magkasama sila sa virtual presser na inorganisa ng milk brand na PediaSure Plus nitong Wednesday, October 21, 2020. Si Chesca ang celebrity guest at si Riki naman ang event host. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kids and hunger and attention 

    Nagsilbing resource speakers sina Dr. Mary Jean Villa-Real-Guno, isang pediatric gastroenterologist, at Dr. Jun Dimaano, ang medical doctor ng Abbott Nutrition. Ito ang kumpanyang nasa likod ng tinatawag na oral nutritional supplement (ONS).

    Ayon kay Dr. Guno, hunger at attention ang sinusunod na general principle para mapakain ang isang bata. Ibig sabihin, kakain lamang ang bata kung siya ay gutom o di kaya binibigyan pansin ang kanyang pag kain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya payo ni doktora sa mga magulang na lagyan ng tamang puwang ang mga oras ng pagbibigay ng pagkain sa kanilang mga anak.  Sa pagitan, halimbawa, ng dalawa hanggang apat na oras, ang ideal ay hindi sila magbigay ng snacks puwera lang inuming tubig.

    Isa pa, sabi ng pediatric gastroenterologist, mainam na magbigay ng kaukulang atensiyon ang magulang sa ginagawang effort ng anak para kumain. Pero huwag naman daw magalit kung talagang ayaw kumain ng bata.

    Real advice para sa picky eating

    Sa ilang beses niyang nagsilbing host sa mga event na may kinalaman sa kalusugan ng mga bata, masasabi ni Riki na marami na siyang natutunan mula sa mga eksperto gaya nila Dr. Guno at Dr. Dimaano. Bukod kay Calix, 4, mayroon si Riki at kanyang mister na si Mike Reyes na anak na babae, si Dylan, 2.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng mom of two, nasubukan na niya ang iba-ibang paraan para masolusyonan ang pagiging picky eater ng panganay na anak: “I’ve tried not serving snacks in between meals, so that he’ll have a full appetite. I tried food chaining. It’s when your child likes chicken and only chicken. I’ve tried eating healthy as well.”

    Masaya si Riki sa naging resulta dahil hindi na ngayon kasing hirap pakainin si Calix. Aminado siya na “stressful” kapag hindi nagugustuhan ng anak ang nakahaing pagkain kaya sinisikap niyang pagaanin ang mood. Iniiwasan niyang pagalitan ang bata para mag-enjoy ang lahat sa hapag-kainan. Epektibo naman daw ang ganoong paraan.

    “Never underestimate your child’s understanding” 

    Para kay Chesca, malaking tulong ang pagbibigay niya ng paliwanag kay Gavin, 7, tungkol sa pagkain nang tama kaya nalampasan nito ang pagiging picky eater. Aniya, “Now he understands his food much, much better.”

    Dagdag ni Chesca na hindi dapat maliitin ng mga magulang ang kakayahan ng mga anak upang umunawa. Tulad din daw sila ng mga adult na kailangan ng explanation bago sumunod sa dapat gawin. Ganyan daw niya tratuhin at kausapin pati ang older kids nila ng asawang si Doug Kramer na sina Kendra, 11, at Scarlett, 9 (sa darating na November 28).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gardening and nutrition

    Pareho sila Chesca at Riki na may vegetable garden sa kani-kanilang tahanan. Pero magiliw na pinunto ng event host sa actress-product endorser, “Naku, walang-wala ang garden ko sa garden mo!” 

    Base kasi sa mga litratong pino-post ni Chesca sa kanyang Instagram account, malawak ang espasyo ng kanyang garden at hitik na ito ng bunga. Sinasama din niya ang kanyang mga anak sa pagtatanim at pag-aani ng gulay at prutas. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sang-ayon si Riki kay Chesca sa pagkakaroon ng appreciation ng mga bata kapag nakikita nila na tumutubo at lumalago ang mga pananim. Sa ngayon daw kasi nawiwili silang mag-anak panoorin ang pamumunga ng kanilang halamang okra. Iyon nga lang, hindi pa nagugustuhan ng mga anak na kumain ng okra dahil “slimy” ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Creative cooking with vegetables

    Talong ang paboritong gulay ng mga anak ni Chesca. Ayaw din daw nila ng okra, kaya nag-isip ng paraan ang celebrity mom/backyard farmer/cook para gawing mas appetizing ang masustansya ngunit madulas na gulay. 

    Lahad niya, “I realized that being creative in cooking my kids’ meals makes it easier for me to make food that they don’t usually eat. With the okra, I was able to do Okra Chicken Patties. They eat and enjoy it. No sliminess. You just have to cook it really well.”

    HOW TO GET YOUR KIDS TO EAT RIGHT!

    Dugtong pa niya, “Kung ayaw nila ’yong food, I try something that’s better for them. I ask them, ‘What do you think will make it better?’ What food do you think will be nicer?’  So I give them a variety of food that they can choose from. I know what they feel because we were once kids, right?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles