embed embed2
  • Tanggap Ni Chynna Na Wala Siyang Kakayahang Mag-Fill Up Ng 'Bags of Liquid Gold'

    Nakakwentuhan din namin si Chynna pagdating sa pagiging yaya-less nila ni Kean Cipriano.
    by Jocelyn Valle .
  • Mayroong maituturing na gender-neutral names ang mga anak nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Ang kanilang first-born daughter na si Stellar, 3 years old, ay ipinangalan sa isang kanta ng kanilang paboritong American rock band na Incubus. Ang baby boy naman na si Salem, na ipinanganak nitong September 25, 2019, ay sumasalamin sa tinatawag ng actress-TV host na kanyang “inclination towards dark things.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag niya, “Parang when we were looking for a name, parang naisip ko, Salem or Sage, mga ganyan. Initially tawa ako nang tawa, parang witch trials ang anak ko or parang pusa ni Sabrina,” patungkol sa horror movie na Salem Witch Trials at comics/TV series na Sabrina the Teenage Witch. “Trip ko naman ’yon talaga. No’ng na-research ko siya, parang Salem means complete peace. So maganda pala ang ibig sabihin.”

    Bago pa isilang ni Chynna si Salem ay hinanda na nilang mag-asawa si Stellar sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sinasabihan nila ang bata ng mga ganitong paalala: “You’re gonna be a big sister. You’re going to have a brother  Take care of your brother.”

    More from Smart Parenting

    Mula noon ay “adjusting very well” na si Stellar at “very affectionate” ito kay Salem. Kuwento ni Chynna na kamakailan lamang ay nakaranas sila ng “legit parenting” situation. Nangyari ito nang lapitan ni Chynna ang TV set upang i-turn off, na siyang request ni Stellar, at bigla na lang umiyak si baby. Kalaunan ay nagsabi ang bata na di niya sinasadyang makalmot ang kanyang kapatid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ayaw pa nga sabihin the reason why ang brother niya was crying,” paliwanag ni Chynna. “Kasi wala kaming help around the house. It’s just me and Kean. Talagang nakatutok kami sa kanila. There are times na kailangan kong maglinis ng bote, ’ta’s that particular instance, sabi niya, ‘Mom, please close the TV.’ So ilang segundo lang ’yon, ang bilis ng pangyayari. Pag balik ko, umiiyak na sila pareho.”

    Parte na daw ito ng “day-by-day” challenges ng pagiging magulang. “You can’t be too hard on herself naman,” diin niya. “So ako, I just let the kids be. Kung ano ang level of progress nila, hinahayaan ko lang. Kasi if I compare them to other children, ’yong nangyayari sa ibang children, baka maging unhappy naman itong mga ’to.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kasama ni Chynna si Stellar sa isang event nang makausap niya ang SmartParenting.com.ph. “’Yan ang ugali niya,” pakli niya habang nangungulit ang bata. “Repeat, repeat, repeat. So kami ni Kean, at this point, we really have to stretch the patience meter a lot para hindi kami magalit.”

    Ngayon na meron na silang girl at boy na mga anak ay kumpleto na ang kanilang pamilya at hindi na sila magdadagdag pa. Hindi raw siya hirap manganak pero hirap siya sa breasfeeding. Tanggap niyang wala siyang kakayahan tulad ng ibang ina “who can fill up bags of liquid gold.” ’Yon daw kasi ang mitsa ng kanyang “loneliness, not postpartum” sa pag-aakalang ’di siya mabuting ina dahil di siya makapagpasuso ng anak. Masaya siya na nalampasan niya ang puntong iyon. Ang mahalaga daw ay happy at healthy ang mga anak niya.

    Bukod sa cooking show na Idol sa Kusina, kung saan co-host si Chynna ng chef na si Boy Logro, abala din siya sa pagpapatakbo ng music label na O/C Records. Itinatag nila ito ni Kean, ang frontman ng bandang Callalily na isa ring actor at TV host. Tumatayong chairman at chief executive officer si Kean bilang vice-president for production and talent development naman si Chynna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Aniya, “Alam ko kung ga’no ka-energetic ang asawa ko. Grabe siya. I do understand kung pa’no niya napagsasabay ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya, which, in turn, I have to go through the same thing because I’m his wife. And I have my own dreams to fulfill. We have children who have their own dreams.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “So riot talaga magkapamilya. Sobrang active niya sa demands ng pagiging aktor. Ang sabi ko nga, kung dati feeling ko, puyat na ’ko, di ko alam ang alam ang puyatan till I had my first child, and then now, I have a second one. So pretty much humaharap ako sa tao na halos three hours lang ang tulog. Okay naman, I’m getting by.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles