embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
125 seats remaining Join Now
  • Chynna Ortaleza Nanigurado Sa Kasal Na Abay Ang Anak: 'One Month Preparation Po Kami'

    Nagsilbing junior bridesmaid si Stellar sa kasal ni Sheena Halili at Jeron Manzanero.
    by Jocelyn Valle .
  • Namangha si Chynna Ortaleza sa tila biglang paglaki ng panganay nila ng mister na si Kean Cipriano, isang aktor din at bokalista ng bandang Callalily.

    Lahad ni Chynna sa kanyang Instagram post na naririnig niya sa ibang magulang na pabirong pinagsasabihan ang mga anak na huwag mabilis ang paglaki. Ngunit para sa kanya, ang totoo ay sadyang mabilis ang takbo ng oras at hindi na mababago pa iyon. Ang maipapangako na lamang daw niya ay gawing “well spent” ang panahong magkasama sila ni Stellar, na tinatawag din sa mga palayaw na Peanut at Pea. 

    Halimbawa na lamang ay ang pagdalo nilang mag-ina sa kasal ng fellow Kapuso actress niyang si Sheena Halili sa nobyo nitong si Jeron Manzanero. Naganap ang Christian wedding ceremony nitong February 23, 2020. Nagsilbing junior bridesmaid si Stellar at todo suporta ang kanyang mommy dito.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento ni Chynna sa isa pa niyang IG post, “So eto na nga! One-month preparation po kami ni Peanut. Nag-motivate ako nang bongga. Sabi ko she can walk on the aisle alone. Last time kasi na nag-abay siya, ayaw niya mag-walk without me.”

    Dugtong niya, “So today, nagulat ako dahil super pumped up ang anak ko. May self-motivation pa siya na…’Go Stellar! You’re a brave girl!’ ’Tapos I told her na we will always be proud of her tiny steps towards independence and sabi ko Tita Sheena & Tito Jeron will be so happy that you’ll be able to do your role in their wedding well.

    “So nag-start na ang processional laking gulat ko kasi sabi niya… ‘Mommy go in na…I can do it.' So I trusted her! And tadah!”

    Makikita nga sa kalakip na video na mag-isang naglalakad patungo sa altar ang bata, bagamat may kabilisan ang kanyang kilos.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    “Congrats Ate Pea! Kinaya mo…Apir!” masayang pagbati ni Chynna kay Stellar. “May isa lang akong nakalimutan ibilin sa kanya...‘wag mag madali pag moment mo. Hehehehe! Nevertheless, I’m so proud of you Pea.”

    Natatawang ikinuwento din ng proud mommy na nakauwi na sila mula sa kasalan nang mag-post siya sa Instagram dahil nabuhusan ng kanyang anak ng iced tea ang gown nito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maliban kay Stellar, na 4 years old sa darating na April 2020, ay mayroong anak na lalaki si Chynna and Kean. Isinilang si Salem noong September 2019.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles