embed embed2
Dapat Ka Na Bang Mag-anak? Huwag, Kung Ito Ang Mga Dahilan Mo
PHOTO BY Unsplash
  • Ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking desisyon—walang tama o mali, alin man ang piliin mo. Walang sino man ang dapat na magdikta sa iyo kung kailan ka magkakaroon ng anak o kung susundan mo na ang mga anak mo.

    MORE ABOUT THE REALITIES OF MOTHERHOOD HERE:

    "Society still judges people, especially women, who choose to remain childless," ayon kay Olga Khazen, isang manunulat mula sa The Atlantic. "Even recent studies show that childfree people are viewed more negatively than those who have children—or are at least planning to have them."

    Maraming mga babae ang nagiging magaganda at mabubuting ina. Marami sa kanila ang nakakahanap ng kaligayahan at kapayapaan mula sa kanilang mga anak. Ganoon din naman para sa mga babaeng pinipiling hindi magkaroon ng anak. Nakakahanap din sila ng saya mula sa pagiging childless.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabila nito ay marami pa ring mga babae ang nakakaramdam ng pressure na magkaroon ng anak o 'di kaya ay sundan agad ang anak na mayroon na sila.

    Bagaman personal na desisyon ang pagkakaroon ng anak, may mga dahilan na hindi dapat magtulak sa iyo at sa partner mo para gawin ito. Narito ang ilan sa mga dahilan na iyan:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naghahanap ka ng magbibigay sa iyo ng pinansyal na suporta pagtanda mo

    Ang matandang paniniwala na ito ay maaaring maglagay ng malaking pressure sa mga anak mo para pagbutihin ang kanilang mga buhay at buhayin ang kanilang mga kamag-anak.

    Maaari itong magresulta sa kalituhan ng kabataan kung mag-iipon ba sila para sa kanilang mga sarili o mag-iipon sila para sa kanilang pamilya—sa ekonomiya ng ating bansa, mahirap gawin ang dalawa nang sabay.

    Tandaan na hindi na dapat masama ang anak mo sa tinatawag na 'sandwich generation,' o iyong henerasyon ng mga kabataan na obligadong magbigay sa kanilang pamilya habang binubuhay ang sarili nilang mag-anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hinihingan ka na ng apo ng mga magulang mo

    Malimit biruan ito ng mga matatanda, lalo na kung may mga pagtitipon. Madalas ito rin ang bungad ng mga magulang mo sa iyo kapag nakikita mo sila. Kaya naman hindi kataka-takang makaramdam ka ng pressure na mag-anak agad.

    Tandaan na ang desisyon ay mananatili sa iyo at sa partner mo—wala nang ibang involved. Sabi nga sa isang akdang inilathala sa The New York Times, "Love for one's parents should not have to be shown by bestowing on them the role of grandparents."

    Makakatulong sa relasyon ninyo ang pagkakaroon ng anak

    Hindi ninyo kailanman dapat gamitin ng partner mo ang pagkakaroon ng anak para isalba ang pagsasama ninyo na hindi na maayos. Ang pagdating ng baby ay maaaring makapagpasaya sa inyo sa mga unang buwan, ngunit hindi nito magagamot ang alin mang hindi ninyo pagkakaunawaan.

    Sa tingin mo, ang pagkakaroon ng anak ang kukumpleto sa iyo bilang babae

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagaman napakaganda ng pagkakaroon ng anak, hindi lamang ito ang bubuo o kukumpleto sa iyo bilang babae.

    Tulad ng pagsisimula ng ano mang relasyon, kailangang magsimula ang pagiging mommy mo na buo ka na at wala ka nang hinahanap sa iyong sarili.

    Naniniwala kang ang pagkakaroon ng anak ang magbibigay sa iyo ng halaga

    Hindi ito ang kukumpleto sa iyo at lalong hindi lang ito ang basehan at magbibigay sa iyo ng halaga. Mayroon ka nang halaga, may anak ka man o wala.

    MORE ABOUT THE REALITIES OF MOTHERHOOD HERE:

    Ano man ang maging desisyon ninyo ng partner mo, mahalagang pag-usapan ninyo itong mabuti at magkasundo kayo nang naaayon sa gusto ninyong dalawa.

    This story originally appeared on Female Network. Minor edits have been made by the Smart Parenting editors.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles