-
Drawing Ang Naging Panlaban Ng Nanay Na Ito Sa Anxiety At Postpartum Blues
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Ilang bahagi ng kwentong ito ay patungkol sa anxiety at postpartum depression. Kung sa tingin mo ay mayroon ka ng alin man sa mga ito, kumonsulta agad sa mga doktor.
Hindi biro ang hamong dala ng COVID-19 pandemic. Bagaman patuloy ang pag-aaral ng mga eksperto tungkol dito, hindi pa rin maiiwasang mag-alala ang marami sa atin.
Bukod pa riyan, marami rin sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Nagbago na rin ang protocol pagdating sa maraming bagay. Kabilang na riyan ang paraan natin ng pamimili ng ating mga pangangailangan.
Apektado rin ang pag-aaral ng ating mga anak, lalo ngayong kailangan nating tulungan silang i-transition mula sa traditional learning papunta sa distance learning tulad ng homeschooling at blended learning.
Kaya naman maraming mga magulang, lalo na ang mga nanay, ang nakakaranas ng anxiety. Marami ang hirap makatulog dahil sa labis na pag-aalala. 'Yan ang naranasan ni mommy Genevie Taganile, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Kwento niya, nagsimula raw siyang mag-drawing nang manganak siya. Pencil sketching pa lang daw siya noon. "Kapag hindi ako makatulog, nagdo-drawing lang ako habang nagbabantay sa anak ko." Natigil daw siya sa pag-guhit pansamantala nang bumukod na silang mag-asawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagsimula muli ang lahat nang magkaroon ng pandemic. "Nakaka-stress ang panahon na ito," pagbabahagi niya. "Lalo na sa akin na nakakaranas pa rin ng postpartum blues."
"Para umiwas sa stress, naisip ko ulit na mag-drawing using digital art naman," sabi niya.
Autodesk App at Photoshop ang gamit ni mommy sa pagbuo ng kanyang mga digital artworks. "Nanood lang ako sa YouTube ng mga tutorials," kwento niya. Tinulungan din siya ng asawa niya na isa namang civil engineer. "Mas techie siya sa akin at magaling din siyang mag-drawing.
Pagkatapos mag-practice nang magpractice, sumabak na si mommy sa paggawa. Nang ilabas niya ito sa kanyang personal page, marami ang nag-like at nag-share. "Inencourage po ako ng mga friends and family ko na gumawa ulit at i-upload sa Facebook page. Ngayon, two months pa lang ang page ko, mayroon na itong 5,000 likes," kwento niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa kasalukyan, hindi pa pinagkakakitaan ni mommy ang kanyang mga artworks. May ilan na ring nagsabi kay mommy na pwede para sa commission art ang kanyang mga gawa, ngunit mas gusto niyang mag-practice muna bago pabayaran ang kanyang mga gawa.
Higit sa maaaring kitain niya sa kanyang mga mas ipinagpapasalamat ni mommy ang naitulong ng paglikha sa kanyang mental health. "As a stay-at-home mom kasi, parang nakakulong ka na lang sa bahay," paliwanag niya.
"Paulit-ulit na lang ang ginagawa at wala pa akong makausap." Dagdag pa niya, "Malayo rin kasi ako sa family ko at bagong lipat lang din kami kaya wala pa akong kakilala."
Maraming ipinabatid ang pandemic na ito sa ating lahat, sabi nga ni mommy. "Mas mahalaga ang kalusugan natin kaysa sa ano mang materyal na bagay," dagdag pa niya.
"Imbis na magmukmok at mag-overthink, mag-isip na lang tayo ng mga pwede nating gawin o mag-explore tayo ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa," payo pa niya. "Malay natin, ma-discover natin na dito pala tayo magaling."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay ilan na ring nagtanong kay mommy kung bakit patuloy pa rin siya sa pag-guhit kahit hindi naman niya ito pinagkakakitaan. Ang sagot niya, "Kahit hindi ako kumikita, masaya naman ako sa ginagawa ko at marami na rin akong nakakausap na mga stay-at-home moms na kagaya ko."
"May mga tao talagang magda-down o kokontra sa ginagawa natin. 'Wag na lang natin silang pakinggan kung doon tayo masaya. Life is too short, kaya gawin na natin ang mga gusto nating gawin."
Anong bagong hobby o skill ang nadiskubre mo ngayong quarantine na kaya mo palang gawin? May mga bagay ka bang gusto mong subukan? I-share mo na iyan sa comment section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments