Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Galing Ni Mommy! DIY Race Track Sa Halagang Php150

    Ilang online videos din ang pinanood ni mommy bago niya nabuo ang race track na ito.
    by Ana Gonzales .
Galing Ni Mommy! DIY Race Track Sa Halagang Php150
PHOTO BY Jil Tolentino
  • Sa isang Facebook Messenger interview, ikinwento sa amin ni mommy Jil Tolentino-Patetico, isang full-time housewife, kung paano niya nabuo ang DIY race track para sa anak niyang si Cloud Caleb, dalawang taong gulang at kasalukuyang nahihilig sa mga toy cars.

    PHOTO BY Jil Tolentino

    “Kasi 'yung daddy niya gusto siya bilhan ng car tracks, which is too expensive for me. So sabi ko sa sarili ko, I will make one na lang. So nag-search ako sa YouTube ng tutorial on how to make one,” sabi niya sa amin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa mga toy stores kasi, maaaring magkahalaga ng Php600 hanggang Php1,500 at higit pa ang mga car tracks. Ayon pa kay mommy Jil, maliliit na tracks pa lang ay ganoon na kamahal. Paano pa kaya ang mga tracks na mas malalaki at may “parking space” pa.

    PHOTO BY Jil Tolentino
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilang videos rin ang pinanood ni mommy bago niya nahanap ang isang sample na madali lang gawin. “Bale ginawa ko siya ng mga four days, kasi kapag nap time lang ni baby ko siya ginagawa,” kwento ni mommy sa aming Facebook group moderator na si Sara Palma.

    PHOTO BY Jil Tolentino

    Narito ang mga materials na ginamit niya:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Glue gun – Mayroon na sila mommy na ganito sa bahay (May nabibiling ganito online sa halagang Php80 hanggang Php200)

    Glue sticks – Php100 (24 pieces)

    Popsicle sticks – Php7.50 (Php25 per 50 pieces, mommy used 15 pieces)

    Used carbon boxes – Free from the grocery

    Total – Less than Php150

    Hamak na mas mura ang nabuong DIY race track ni mommy kung ikukumpara sa mga mabibili sa toy stores.

    PHOTO BY Jil Tolentino
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang DIY laruan o ano mang DIY items na nagawa mo para sa iyong mga kids? Pwede mo itong i-share sa iyong mga kapwa nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles