Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ganito I-Handle Ni Bianca Gonzales-Intal Ang Tantrums Ni Lucia

    Ibinahagi rin ng TV host at celebrity mom kung anong magandang gawin kapag sagad na sagad ka na.
    by Ana Gonzales .
Ganito I-Handle Ni Bianca Gonzales-Intal Ang Tantrums Ni Lucia
PHOTO BY Bianca Gonzalez-Intal/Instagram
  • Hindi man natin tahasang aminin, hindi maikakailang nakakapagod maging nanay. May mga pagkakataong hindi mo maiwasang mapikon sa mga anak mo, lalo na kung pagod ka na sa trabaho at nagta-tantrums pa sila.

    Kaya naman nang magkaroon kami ng pagkakataong makausap ang celebrity mom na si Bianca Gonzalez-Intal sa isang Similac event nito lang November 14, agad namin siyang tinanong ng isa sa mga pinaka-common concerns na ibinabahagi ng members ng aming Facebook group na Smart Parenting Village: Ano nga ba ang best way para i-handle ang tantrums?

    More from Smart Parenting

    Ayon kay Bianca, pabayaan mo lang mag tantrums ang anak mo. I-acknowledge mo ang kanyang nararamdaman. “I don’t know if it’s also because we’re blessed with a very obedient toddler, but it’s just really me talking to them,” kwento niya. Here’s a tip I learned that has worked for me and that might work for others also. ‘Di ba our toddlers are smaller than us? So when we have to explain something to her, I kneel down so that we’re eye to eye and I just talk to her calmly and she listens,” dagdad pa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa mga araw na may “sumpong” ang anak nilang si Lucia, ina-acknowledge ni Bianca ang nararamdaman ng anak niya. “I just say, ‘Okay, it’s okay to cry, when you’re ready to talk to mommy, just tell me.’” Kahit na nagwawala na si Lucia sa bahay at walang pumapansin sa kanya, siya na rin mismo ang lumalapit sa mommy niya. “Nadadaan din sa usapan, sa mga malalaking mata,” kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Tanong pa namin sa kanya, paano kapag sagad na sagad ka na? Madalas din kasi itong maramdaman ng mga nanay sa SP Village, lalo na ang mga first-time moms. Relate na relate naman si Bianca at sinabi niyang malaki ang pasasalamat niya na mabibilang niya pa sa isang kamay ang mga pagkakataong nasigawan niya si Lucia. “Mabibilang ko lang sa isang kamay! And I remember pa ‘yung eksena talaga. I remember nung minsang nasabi ko ‘Lucia!!!’ I remember pagkatapos ‘non, ‘yung feeling ko, ang sama sama,” kwento niya. “As much as possible, kapag alam kong papunta na ako doon, I try to breathe,” sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aminado rin naman ang nanay nina Lucia at Carmen na minsan hindi ka na talaga makakahinga. “Minsan hindi ka na makaka-breathe! Lalo na kapag pagod ka sa trabaho, pagod ka sa traffic tapos ganoon pa. But I try to practice!” Sabi pa niya, isa sa pinakamahalagang natutunan niya na gumagana sa anak niya, kapag nagwawala si Lucia at may ayaw siyang gawin, sabihin mo lang na naiintindihan mo ang nararamdaman niya.

    More from Smart Parenting

    Kung madalas mang mag tantrums ang anak mo, huwag mong hayaang kainin ka ng frustration. Maaari mo ring turuan ang mga kasama ninyo sa bahay na i-acknowledge ang nararamdaman ng bata. Hintayin silang huminahon at saka mo sila kausapin katulad ng ginagawa ni Bianca. Bumaba ka sa level nila, tignan mo sila sa kanilang mga mata at mahinahon mo silang kausapin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng lakas para magtimpi at maging kalmado—kung may pagkakataon mang masigawan mo sila, huwag kang maging negatibo sa sarili mo. Gaya nga ng sabi ni Bianca, i-practice mo ang paghinga muna at saka mo harapin ang anak mo na may sumpong. 

    Mayroon ka bang mga techniques kung paano mo hinahandle ang tantrums ng anak mo? Maaari mong ibahagi ito sa ibang mga nanay sa Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles