graduation,graduation stories,Smart Parenting Village,SPV,Hindi Nakakbasa Noon, Ngayon May Honors, Top 2 | Smart Parenting,smart parenting, smart parenting village, graduation, moving up, graduate, moving up day, back to school, school, milestone, philippines, student,The young girl was determined to earn a medal that her mom could award her at the end of the school year
ParentingReal Parenting

'Mama, Gusto Ko May Medal Kang Isasabit Sa Akin' Hirap Mag-Basa Noon, Naging Top 2 Sa Buong Batch

"Gusto ko talaga mag-honor, kaya promise sa Grade 2 gagalingan ko pa," she told her mom.
PHOTO BYDAYANIE COMEDERO

The following story was sent in by a member of Smart Parenting Village, our Facebook community with 97,000 members and counting. To join our thriving community of Filipino parents where you can connect with other parents, click on the link. Smart Parenting editors have made minor edits for clarity.

Noong Grade 1, hindi nag-honor ang anak namin. Proud pa din kami siyempre kasi nakita namin na nag-sikap siya at natuto. Pumasok siya ng Grade 1 ng 'di gaano marunong mag-basa at nag-tapos naman sa pagiging comprehensive at fast reader. Pero umiyak siya at nalungkot nang 'di siya nakatanggap ng honors.

Hindi naman namin sya ini-require na maging honor, super happy at proud na nga kami sa improvement niya. We comforted her, saying na as long she did her best ay proud at happy kami. In fact, tintreat pa namin siya at ang best friend nya sa Manila Ocean Park.

A week after ng Moving Up noong Grade 1, she came up to me and told me "Mama, gusto ko talaga mag-honor, gusto ko may medal kang isasabit sa akin, kaya promise sa grade 2 gagalingan ko pa".

Na-touch ako dito, I see that fire of determination in her eyes. Kaya ang sinabi ko lang sa kaniya, ''Go for it anak, kung gusto may paraan at kung ayaw may dahilan. If you want it, you have to work hard for it but don't forget to enjoy the journey as a learner. Lagi lang kaming andito para sa 'yo''.

Sobrang nakaka-proud po yung hard work niya this school year. Kung dati tinatamad pa siya gumawa ng assignments, ngayon tapos niya na before I ask! 'Di na siya nagpapaturo, kundi halos perfect at perfect naman ang mga scores niya!

'Ang mas nagpa-happy sa akin as a parent is yung learning while enjoying siya sa mga natutunan n'ya.' —Dayanie Comedero, mom of awardee

Sumali rin siya sa mga contest this year. Ang mas nagpa-happy sa akin as a parent is yung learning while enjoying siya sa mga natutunan niya. Happy siyang papasok at happy naman siyang uuwi at magku-kwento ng araw nya sa school.

Now, after a year of her hard work she was hailed as the overall Top 2 of her grade 2 peers. Ang funny pa dito, akala namin Top 3 siya, to our surprise sa mismong araw ng recognition niya nalaman namin ay Top 2 pala siya.

watch now

Ang laki ng smile niya at proud na proud sa sarili, at siyempre super happy kami as parenta na makita siyang makamit ang goal niya. Ang dating hirap mag-basa ay awarded as a Little Teacher pa!

Totoo nga na 'pag ang bata ay determinado, walang impossible hangga't suportado natin sila bilang magulang, they will believe and do great things. Congratulations to my baby girl, Jeyann Alexei Heteroza for her hard earned achievements.

Read this inspiring story of siblings who graduated cum laude from Ateneo De Manila University, whose parents work as janitors of the same university. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close