embed embed2
  • Sabi Ng Magulang Ko, 'Gusto Mo Ng Pera? Matuto Kang Dumiskarte'

    Nagpapasalamat ang isang ina sa lesson na ito mula sa kanyang nanay at tatay
    by Cristina Gomez-Verano . Published Aug 29, 2020
Sabi Ng Magulang Ko, 'Gusto Mo Ng Pera? Matuto Kang Dumiskarte'
PHOTO BY courtesy of Cristina Gomez-Verano
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    I wish the photo above was clearer because I really wanted you to see the Pinoy komiks we used to rent out when we lived in this house in Valenzuela. Malamang sa tabi, meron ding repacked na butong kalabasa at butong pakwan. Kung kuha ito noong malaki na ako, pihadong may mga chichiria at kendi pa diyan na pinuhunanan ni Tatay para sa akin.

    Marami rin kaming naitinda sa harap ng bahay na 'to, depende sa kung anong makita ni Nanay na mukhang okay ibenta kapag napupunta siya sa Divisoria. Sa loob ng bahay, may mga makina na gamit sa patahian, Avon products for sale sa eskaparate, at ilang kahon siguro ng spare parts ng motorcycle na inilalako ni Tatay sa Norte.

    Kapag may dumadating na mga daing galing sa tiyuhin ko sa Palawan, inilalako din namin ni Tatay sa palengke. Nung makalilpat kami at magka-bakery, tinapay naman ang binabagsak namin sa mga tindahan.

    What other parents are reading

     

    Dagdag ni Nanay, nagbenta din kami ng manggang hilaw, French fries, mani at banana cue. May pa-arkilahan pa ng bisikleta ang kapatid niya. Pwede ka rin makitawag sa telepono namin basta may bayad.

    Sa eskwela, nagbebenta ako ng mga pampaypay at bags na gawa namin ni Kuya, polvoron, juice packs, o kung ano mang sumobra sa pasalubong ni Tatay galing sa mga byahe niya. Hindi dahil sa kailangan — gusto ko lang. And my parents encouraged me, kahit ginagastos ko ang kita malamang sa mga bagay katulad ng slum books.

    Looking back now, I feel grateful na sa ganitong kalakaran ako pinalaki ng mga magulang ko. Gusto mo ng pera? Matuto kang dumiskarte. This has been my backbone as a freelance writer and a businesswoman, lalo na sa panahong ito, where every little effort counts.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya tuloy lang ang diskarte. Laban lang. Kaya natin 'to.

    Maliban sa pagiging nanay, si Cristina Gomez-Verano ay isang entreprenuer: taga-utos sa JCB Customized at tindera sa JCB Sari-Sari.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close