\
embed embed2
  • Hindi Ka Dapat Ma-Guilty Sa Mga Parenting “Daya” At Time-Saving Hacks Na Ito

    Kung lagi kang pagod at overwhelmed, okay lang gamitin ang mga working mom hacks na ito!
    by Ana Gonzales .
Hindi Ka Dapat Ma-Guilty Sa Mga Parenting “Daya” At Time-Saving Hacks Na Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa maniwala man sila o hindi, mahirap talagang maging working mom (at dad!). Sa katunayan, maraming mga nanay sa Smart Parenting Village nga ang madalas magsabi sa amin na hirap silang pagsabayin ang pagiging working nanay at pagiging empleyado.

    Minsan kasi, hindi maiiwasang may isa sa mga ito ang makokompromiso.

    Bukod pa riyan, naging bahagi na rin ng pagiging nanay ang mom guilt. Kahit na nahihirapan, maraming mga ilaw ng tahanan ang hindi nagsasalita o humihingi ng tulong.

    Kaya naman inilista namin ang ilan sa mga working mom hacks na pwede mong gawin, at hindi mo dapat ika-guilty! Hindi kabawasan sa pagiging nanay mo ang gawin ang mga "parenting daya" na ito.

    Time-saving hacks para sa mga busy working moms

    I-give up ang pagiging perfect

    Hindi sa lahat ng oras ay aayon sa plano mo ang mga bagay-bagay. Hindi rin sa lahat ng oras ay perpekto ang kalalabasan ng mga gagawin mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman para bawas pressure at mas makapag-focus ka sa mga talagang dapat na ginagawa mo, iwasan mong lagyan ng expectation ang sarili mo na maging perpekto.

    Tandaan, walang perpektong magulang. Huwag mo nang pagurin ang sarili mo para makamit ang mga expectations ng iba.

    Umorder online

    Sabi nila, ang marka ng masinop at maayos na nanay ay iyong may panahon na mag-grocery. Pero paano kung walang maiiwan sa mga bata?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa panahon pa ngayon na kung anu-anong karamdaman ang naglalabasan, napakahirap na maglalalabas ng bahay.

    Tandaan, hindi kabawasan sa pagiging ina mo na umoorder ka ng groceries online. Hindi ka rin dapat ma-guilty kung may mga pagkakataong inoorder mo online ang hinahain mo sa iyong pamilya.

    Huwag akuin ang lahat ng bagay

    Hindi lang pagdating sa trabaho—pati rin sa mga responsibilidad sa bahay. Hindi masamang humingi ng tulong.

    Kung tambak ka sa trabaho, tignan mo kung alin dito ang pwede mong i-delegate sa mga kasamahan mo. Kung tambak ka sa mga gawaing bahay, tignan mo kung paanong maayos itong mahahati sa inyo ng partner mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sakali namang mag-isa mo lang, maraming mga serbisyo ngayon online na pwede nang tumulong sa iyo.

    Iwasan mo na rin ang pagvo-volunteer sa kung anu-anong bagay dahil lang ayaw mong may masabi ang iba.

    Iwasan ang multitasking

    Isa sa mga dahilan kung bakit mabilis kang ma-overwhelm ay dahil sabay-sabay mong ginagawa ang maraming bagay.

    Ayon sa mga eksperto, mas magiging mabilis ang trabaho mo at gawaing bahay kung tutok ka lang sa isa.

    Pero syempre, may mga magulang na nare-relax kapag nagtatrabaho habang may nakasalang sa washing machine. Okay lang ito, basta hindi mo paaabutin sa puntong apat hanggang limang bagay na ang pinagsasabay-sabay mo.

    Ilan sa mga multitasking na okay lang ay ang pagbabasa ng mga children's stories habang nililiguan mo ang anak mo. O 'di naman kaya ay pagpa-practice ng alphabet ng mga bata habang naghuhugas ka ng plato.

    Matutong humindi

    Hirap ang maraming nanay na unahin ang sarili nila. Kung isa ka sa kanila, ito na ang wakeup call mo para simulan na pag-aralan ang tinatawag na 'art of saying no.'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Okay lang humindi sa mga chismisan na kakain ng oras mo. Okay lang humindi sa mga bagay na hindi naman maganda ang maidudulot sa physical at mental health mo.

    Bantayan mo ang oras mo, Ma. Ito ang pinakamahalaga mong resource. Mas magiging magaan ang loob mo kung hindi ka magi-guilty sa mga bagay na ito.

    Kapag magaan ang pakiramdam mo, hindi ka hirap magtrabaho at hindi ka mabilis magalit sa mga anak mo.

    Isang paraan na rin ito ng pagmamahal sa iyong sarili.

    Anu-anong mga bagay ang nagti-trigger ng iyong mom guilt? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles