-
Hindi Kami Okay Ng Tatay Ng Anak Ko, Dapat Pa Ba Siyang Makilala Ni Baby?
May epekto ba sa anak ko kung hindi niya makikilala ang tatay niya?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Mahirap maging magulang at lalong mahirap kung gagawin mo itong mag-isa. Pero may mga inang pinipiling mag-isang itaguyod ang kanilang pamilya dahil hindi maganda ang relasyon nila sa ama ng kanilang anak.
Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, nagiging madalas na tanong kung ano nga bang magiging epekto kung hindi na ipakilala sa bata ang tatay nila.
Narito ang ilan sa mga kwentong inilapit sa amin:
Single mom ba ako?
Supportive ang parents ko sa pagkakaroon ko ng anak. Hindi nila ako pinapabayaan. Lagi rin nila akong tinutulungan pagdating sa pag-aalaga sa aking anak. Kung tutuusin, wala na akong mahihiling pa.
Pero nahihirapan ako dahil wala kaming label ng tatay ng anak ko. Hindi naman kami, pero ‘yung galaw namin, parang kami na rin—hanggang sa nagkaroon nga kami ng anak. Minsan, natutulog siya sa bahay namin, minsan naman, natutulog ako sa bahay nila. Pero hindi ko alam kung ano kami sa isa’t-isa.
Supportive naman siya sa mga pangangailangan naming mag-ina. Hindi niya kami pinapabayaan financially. Pero ang hindi malinaw sa akin ay kung ano kami sa isa’t-isa. Sabi sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko, mag-move on na raw ako. Tanggapin ko na lang daw na hindi niya ako mahal at wala siyang gustong i-label sa relationship naming dalawa.
Sa ngayon ay hoping pa rin ako. Hindi ko na lang sinasabi sa mga kakilala ko na hanggang ngayon ay patuloy akong umaasa na balang-araw, mabubuo rin ang pangarap kong pamilya.
Binura ko na ang tatay ng anak ko sa buhay naming mag-ina
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero ngayon, naguiguilty ako at natatakot kung ano nga bang magiging epekto nito sa bata. Nagdesisyon akong tuluyan nang alisin sa buhay naming mag-ina ang tatay niya dahil wala rin naman siyang nagagawa para sa amin.
Hindi niya kami inaasikaso at wala siyang pakialam sa aming mag-ina. Pero hindi ko maiwasang isipin na baka mali ang ginagawa ko. Baka dapat ay hayaan ko ang anak ko na magdesisyon kung paano niya pakikisamahan ang tatay niya kapag malaki na siya.
Wala naman kasing pakialam sa kanya ang tatay niya. Hindi siya dinadalaw, hindi siya inaasikaso, hindi siya sinusuportahan. Bakit ko pa ipapakilala ang anak ko kung ganito rin lang naman? Masama ba akong ina? Sasama kaya ang loob sa akin ng anak ko kapag malaki na siya? Magagalit kaya siya sa akin dahil inilayo ko siya sa tatay niya?
Mabilis mauto ng lalaki ang anak ko
Napansin ko sa teenager kong babae, uhaw siya sa attention ng mga lalaki. Lumaki siyang walang daddy o male figure sa buhay niya. Ako lang kasi ang nagpalaki sa kanya. Hindi ako nagkukulang ng pagpapaalala sa kanya na ingatan niya ang sarili niya pero parang hindi niya ito naiintindihan. Umuuwi siya ng late at lalaki ang kasama niya. Mabilis siyang magka-boyfriend na para bang mauubusan siya ng lalaki.
Hindi ko alam kung dahil sa kawalan ng tatay kaya siya nagkakaganito. Hindi ko alam kung nagrerebelde ba siya dahil lumaki siyang walang daddy.
Simula nang iwan kami ng tatay niya, solo ko na silang pinalaki. Kaya lang, umabot sa punto na kinailangan kong magtrabaho sa malayo kaya ipinaalaga ko silang mga anak ko sa magulang ko. Ngayon, ganyan na ang ugali niya. Nagsisinungaling siya sa akin at madalas siyang may mga kasamang lalaki.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHanggang ngayon, sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyayari sa anak ko.
Ang mga kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.
Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments