embed embed2
Late Bloomer Ba? Bakit Hindi Mo Dapat Ikumpara Ang Anak Mo Sa Iba
PHOTO BY Pauline Ann Edra
  • Mayroon akong tatlong anak. Dalawang babae at isang lalaki. Halos magkasunod ang edad ng dalawang girls ko (10 at 8 years old) kaya close talaga sila kahit minsan magkaiba ng ugali at gusto. 

    Yes, madalas din silang mag-away (haha!).

    Magkaiba man ng hilig, palagi pa ring magkalaro ang dalawa.
    PHOTO BY Pauline Ann Edra
    What other parents are reading

    Ang isa sa kanila, 'yung two years old, kayang magsalita ng 100 words. 'Yung isa, four years old na bago nakapagsalita nang tuwid.

    'Yung isa, anim na buwan na nagbreastfeed. Samantalang 'yung isa, isang buwan lang. 'Yung bunso, 19 months na, pure breastfeeding pa rin.

    Maliliit pa lang sila, lagi nang magkasangga sa kakulitan.
    PHOTO BY Pauline Ann Edra
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    'Yung isa, isang taong gulang pa lang, marunong na ng ABCs at 123s. Pero 'yung isa, nung pumasok sa nursery, saka lang natutong magbasa at magbilang. 

    'Yung isa, palaging kinukuhang emcee sa mga school programs. Matatas kasing magsalita. Samantalang 'yung isa, late na nagsalita kaya napakamahiyain.

    Sana hanggang magdalaga silang dalawa, sila pa rin ang magkatuwang sa lahat ng bagay.
    PHOTO BY Pauline Ann Edra

    Hindi mo mapupuna kung sino sa kanila ang medyo "late bloomer" kasi pareho silang lumaking mapagmahal. Pareho silang malambing. Pareho silang nag-aalaga sa kanilang bunsong kapatid. Bonus na lang talaga na pareho silang honor students, pero okay lang kahit hindi.

    Mayroon man silang mga pagkakaiba, sa huli, masarap makitang sila pa rin ang magkasama.
    PHOTO BY Pauline Ann Edra
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang point ko mga kapwa ko mommies, kapag may "red flag", agapan na natin agad. Mabuti rin ang early intervention. Pero! Huwag din tayong ma-stress o huwag din nating bigyan ng stress ang mga anak natin kung hindi pa sila marunong bumasa at sumulat, o kung hindi sila kasing bilis maglakad ng ibang mga batang kaedad nila, o kung hindi pa kasing dami ng ngipin ng ibang bata ang ngipin nila.

    Mayroong mga kanya-kanyang abilidad ang ating mga anak. Hindi ba mas magandang 'yun ang i-highlight natin?
    PHOTO BY Pauline Ann Edra

    Matututunan din nila yan sa kanilang panahon. May kanya-kanyang talento at regalo ang bawat anak natin. Huwag nating hanapin ang wala sa kanila. Baka kasi sa kakahanap natin, hindi na natin napapansin 'yung ibang mga bagay na ibinibigay nila.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close