embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
New Year, New Me? Hindi Na Kasi Nag-eeffort Para Sa Akin Si Hubby
PHOTO BY iStock
  • Kalimitan, sa pagpasok ng bagong taon, marami sa atin ang naghahanap ng paraan para i-reinvent at i-improve ang ating mga sarili. Una, para sa ikabubuti natin at pangalawa, para sa ikagaganda ng relasyon natin sa ibang mga tao maging sa ating mga anak. 

    Narito ang ilang mga #SPConfessions na natanggap namin tungkol sa self-improvement at pagbabago:

    Anong gagawin kung nawawalan na ng gana si mister?

    Walong taon na kaming magkarelasyon ng asawa ko. Mayroon na kaming isang anak. Simula nang mabuntis ako, napansin kong parang nawalan ng interes sa akin ang asawa ko. Sa katunayan, ni hindi niya nga ako sinasamahan noon sa pagpapacheck-up. Nang manganak ako, hindi rin niya ako sinasamahan sa pagpapabakuna sa anak namin.

    Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Para bang hindi na niya ako mahal. Bakit nawalan siya ng interes sa akin?

    Pinakialaman ko ang cellphone niya. Alam kong mali, pero baka dito kasi ako makakuha ng clue kung anong nangyayari. Doon ko nalaman na may officemate siyang talaga namang close na close niya. Minsan, ‘nagtatampo’ pa ang officemate niyang ito na babae. Sinusuyo niya talaga. Pero kapag ako ang nakikipag usap sa kanya o ‘di kaya ay nagsasabi ng mga hinanakit ko, mas galit pa siya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bored na kaya siya sa akin? Haggard na kasi ako. Alam kong kailangan kong i-improve ang sarili ko. Pero ayaw kong gawin ito para sa ibang tao. Siguro may pagkukulang ako sa asawa ko dahil hindi na pareho ng dati ang itsura ko, pero naisip kong hindi ito ang tamang dahilan para i-improve ko ang sarili ko. 

    More from Smart Parenting

    Insecure ako sa asawa ko

    Nakaramdam na ba kayo ng insecurity sa asawa ninyo? Normal ba ang nararamdaman ko? Naiinggit kasi ako sa asawa ko dahil nagagawa pa rin niya lahat ng mga kailangan at gusto niyang gawin. 

    Nakakakain siya ng masarap. Nakakapunta siya kung saan niya gusto. Ako, nasa bahay lang, nag-aalaga ng bata. Minsan, kung anong ulam ko ng breakfast, iyon na rin ang ulam ko sa lunch—minsan hanggang dinner pa. Hindi ako makaluto dahil nagigising ang bata. 

    Minsan, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako naaalala ng asawa ko. Hindi man lang niya maisip na pasalubungan ako kapag kumakain siya sa labas. Hindi man lang niya ako inaasikaso, knowing na hindi ko masyadong maalagaan ang sarili ko dahil sa anak namin at dahil na rin sa mga gawaing bahay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakailang beses na namin itong pinag-usapan, ngunit wala pa rin. Hindi siya bumabangon kahit naririnig na niyang umiiyak ang anak namin. Nakakaya niyang magpuyat para sa mobile games at para sa social media, ngunit pagdating sa amin ng anak ko, buhay binata siya. 

    Naisip kong i-improve ang sarili ko. Para hindi na ako malungkot dahil sa kawalan niya ng interes sa aming mag-ina. Wala rin kasing mag-babago sa sitwasyon ko kung magiging bitter ako. Na-realize kong kung hindi ko eeffortan ang sarili ko, wala nang ibang mag-eeffort para sa akin.

    More from Smart Parenting

    Ang mga kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village at Smart Parenting Facebook page. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito. 

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles