Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Akalain Ng Mommy Na Ito Na Ang Hobby Niya Ay Magiging Negosyo

    Nagsimula ang crochet business niya sa hat and shoes hanggang sa naging dresses at Halloween costumes.
    by Ana Gonzales .
Hindi Akalain Ng Mommy Na Ito Na Ang Hobby Niya Ay Magiging Negosyo
PHOTO BY Eloisa Taytay
  • Sa panahon ngayon na sobrang traffic na at talaga namang demanding na halos lahat ng mga trabaho, mas mahirap nang balansehin ang pagiging ina at pagiging empleyado. Kalimitan, sa kagustuhan ng mga magulang na kumita ng pera para sa pamilya, naisasakripisyo na nila ang panahong dapat ay kasama nila ang mga anak nila. 

    More from Smart Parenting

    Kaya naman para kay mommy Eloisa Walles - Taytay, isang napakaganda (at hindi inaasahang) biyaya sa kanya nang madiskubre niya ang kanyang hilig (at galing) sa paggagantsilyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “It was October 2016,” sabi niya. “Eight months akong preggy noon at madalas ay bored ako sa bahay. Nakakita lang ako ng pictures ng isang newborn na naka-crochet hat at shoes.”

    "I don't know why pero nung time na ‘yun, bigla akong nagka-interest sa crochet."

    Sabi pa niya, wala naman daw talaga siyang idea kung paano maggantsilyo. Hindi niya alam kung saan at kung paano magsisimula. Buti na lang, halos lahat ng bagay ngayon ay may video tutorials na online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Agad siyang nagresearch at nanood ng maraming videos hanggang sa nakagawa na nga siya ng kanyang kauna-unahang bulaklak. “Sa sobrang eagerness ko po matuto with the use of tutorials and minsan, likot ng utak para maka invent ng designs, nakakabuo na po ako ng hats and shoes,” kwento niya. 

    Huminto si mommy Eloisa sa paggagantsilyo nang manganak siya kay baby Mikko Jay. Nang magtatlong buwan na ang kanyang anak, nagsimula na siya muli sa paggawa at pagpapa-order—pero mas nakafocus siya sa mga hats at shoes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Unti-unti na rin siyang nagsimulang mag-aral na gumawa ng mga dresses hanggang sa natutunan niya ito pagkatapos ng dalawang buwan. Ang the rest, sabi nga nila, is history.

    More from Smart Parenting

    “Hindi po talaga ako marunong bumasa ng mga written patterns,” kwento niya. “Naghahanap ako ng tutorials kung paano gawin ang pinakabase. Pagkatapos, online din ako kukuha ng inspirasyon—depende na rin sa gusto ng kliyente.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Snow White costume ang pinakaunang nabuo ni mommy Eloisa, kaya naman sobrang espesyal ng litratong ito sa kanya. 

    Mag-isa niyang ginagawa lahat ng kanyang crochet creations kaya aminado siyang hindi pa niya kayang tumanggap ng mga rush orders, lalong-lalo na ngayong “Ber months”. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang tanunging siya tungkol sa kanyang routine, sabi niya’y talagang nahahati raw ang kanyang oras sa trabaho at sa kanyang anak. “As much as possible, nakikipaglaro ako sa kanya,” sabi ni mommy.

    “Kalahati muna gagawin ko sa morning hanggang lunch time, then tatapusin ko siya kapag tulog na si baby sa hapon at sa gabi. Minsan, inaabot na rin ako ng madaling araw sa paggagawa,” pagbabahagi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sulit naman ang kanyang pagod dahil ngayon ay may tamang dami na siya ng kliyente. “Ang maipapayo ko lang sa mga stay-at-home moms like me ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Hanapin ninyo ang hilig ninyong gawin. Minsan diyan natin nadidiscover ‘yung hidden talent natin,” sabi niya. Ayon pa kay mommy, maikli daw ang pasensya niya kaya’t hindi niya akalaing mamahalin niya ang paggagantsilyo at kalaunan ay magiging business pa niya ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dati, dumaan silang mag-asawa sa punto na hindi nagkakasya ang kinikita nila lalo na’t maliit ang sahod sa probinsya. Dumating sa punto na na-frustrate din si mommy Eloisa lalo na kapag mahina ang benta niya. Pero ngayon, dahil sa pagsusumikap nilang mag-asawa (si daddy ay isang company driver), malaki na ang ipinagbago ng kanilang buhay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Basta huwag na huwag po tayo mawawalan ng pag-asa. Kapag hindi nag-work sa unang try, it's okay, we can try again. Kapag dumadating sa times na parang ayaw niyo na, hinga ka muna mommy. Look at your child. Hug mo sya, kiss mo sya. Titigan mo ‘yung smile niya and with that, you can find a reason to start again.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang hobby lang dati na ngayon ay pinagkakakitaan mo na? I-share mo na yan sa amin sa pamamagitan ng pagsali sa Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles