-
Huli Ka! 8 Palusot Ni Daddy Kapag Nakatulugan Ang Pag-Aalaga Kay Baby
Hindi ka makakapaniwala sa mga naiisip nilang palusot!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Kamakailan nga’y ibinuking nanaman ng mga nanay ang kanilang mga asawa—ikinwento nila ang mga pagkakataong nauuna pang nakakatulog si daddy sa pagbabantay kay baby.
Nagsimula ito sa isang simpleng larawang ipinadala sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Napakaraming mga nanay ang nakarelate at agad nagpadala sa aming ng mas maraming litrato.
Kwento pa ng mga mommies, maraming mga palusot ang mga daddies kapag nahuhuli silang tulog muna bago bantay (LOL!). Narito ang ilan sa mga palusot ni daddy na ikinwento sa amin ng mga nanay sa Village.
Palusot ng mga tatay kapag nahuhuli silang natutulog habang nagbabantay
"May magic spell si baby."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ni mommy Maan Platon, ito raw ang palusot ni daddy. Ayon pa raw kay daddy, kapag nahingahan ka ni baby, makakatulog ka! “Sasabihin pa, hindi mo ba nararamdaman ‘yun ‘pag ikaw ang nagbabantay?” kwento ni mommy (LOL!).
Kwento ni mommy Jane, 2AM na, ayaw pang magpababa ni baby Amidala. Kaya kahit may pasok pa si daddy bukas, matiyaga niyang kinarga si baby.PHOTO BY Jane TiongcoCONTINUE READING BELOWwatch now"Kunwari lang ito."
Ito ang isa sa mga pinakamadalas na sabihin ng mga tatay. Nagtutulog-tulugan lang daw sila para gayahin sila ni baby. Sabi naman ng mga mommies, “Talaga ba?”
May mga daddies pa na nagpaliwanag na style at technique daw talaga nila ito para mapatulog ang mga anak nila.
PHOTO BY Jhenz GarciaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Nag-iisip ako."
Hindi naman daw kasi tulog si daddy. Nag-iisip daw siya ng malalim. Ayon sa mga nanay, ito raw madalas ang sinasabi ng mga daddies sa kanila kapag nahuhuling natutulog habang nagbabantay ng bata.
Ano kayang iniisip nila daddy, ano po?
"Sinubukan ko lang para makita ko kung naghihilik ako."
Ito naman ang nakakatawang palusot ng hubby ni mommy Le Vys. Baka raw kasi magising si baby kapag naghilik si daddy kaya sinubukan muna ni daddy matulog.
PHOTO BY Jane HusayanADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Nakakaantok kasi boses mo, mommy."
Kasalanan pa pala ni mommy Primrose Pineda kapag nakakatulog si daddy—nakakahele raw kasi ang boses ni mommy!
"Napikit lang ako."
Ang tagal namang pikit niyan, daddy? (LOL!) Marami ring mga nanay ang nagsabi na ito raw ang palusot ng mga hubbies nila. ‘Pinapahinga’ lang daw nila ang mata nila.
What other parents are reading
"Nauna nakatulog si baby, tapos nauna lang din siyang nagising."
Parang legit itong sinabi ni daddy ah! Kwento ni Mommy Marithe, ito raw ang sagot sa kanya ni daddy kapag nahuhuli niya itong nakakatulugan ang pagbabantay kay baby.
"Amen."
'Yung 'pag sinita mo si daddy, bigla niyang sasabihin na hindi raw siya tulog, nagdadasal daw siya. Hay nako.
"Di pa ko tulog. Ano ka ba, pinagdadasal ko nga na matagal sana tulog niya eh (pero humahilik na siya ng sobrang lakas)," kwento ni mommy Yona Marie Young-Ramos.
Heto pa ang isang nakakatawang usapan na ibinahagi ni mommy HazelFerdie Reyes:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMom: "Hoy dad, tulog ka na inunahan mo pa ang anak mo."
Dad: "Wag kang maingay diyan, nagpepray ako."
4 yr old son: "Mommy ‘wag ka shout, nagpe-pray si dad."
Kwento ni mommy, ngayong may baby na sila ni daddy, mas ipinakita pa ni daddy kay mommy na hindi siya nag-iisa. Pagod man, hindi pumapayag si daddy na hindi tulungan si mommy.PHOTO BY Crizza Lindsay TorresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSiyempre, okay lang namang makatulog si daddy habang nagbabantay kay baby. Sa katunayan, guilty rin naman si mommy diyan! Sa dami kasi ng mga responsibilidad natin bilang mga magulang, madalas, kulang tayo sa tulog.
Lambing na lang din ng mga mommies kapag sinisita nila ang mga daddies at ibinubuking ang mga palusot nito. Pero sa aming Father’s Day articles, napakaraming mga nanay ang lubos ang appreciation at pasasalamat sa mga haligi ng tahanan.
Nakapag-submit ka na ba ng shoutout mo para kay daddy? Kung hindi pa, basahin mo lang ang article na ito para malaman mo kung paano.
What other parents are reading

- Shares
- Comments