-
Bakit Hindi Dapat Sanayin Ang Anak Na Hiwalay Ang Pagkain Niya, Ayon Sa Isang Mommy
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Ang karaniwang turo ng magulang sa anak ay kainin kung ano ang nakahain sa mesa. Ngunit maraming pagkakataon na ipinagluluto nang hiwalay na pagkain ang bata dahil ayaw nito ng ulam o may ibang gustong kainin.
Kapag hindi pinagluto, hindi kasi kakain ang bata. Kaya napipilitan ang magulang na magkaroon ng hiwalay na pagkain sa takot na hindi kakain ang anak.
Naiintindihan ng mga eksperto ang ganitong sitwasyon, pero may paalala sila. Kapag ganito parati ang nangyayari, masasayang ang oportunidad ng magulang na turuan ang anak ng ilang importanteng life lessons.
Parenting sa oras ng pagkain
Mainam kasi ang hapag-kainan bilang venue para mapag-usapan ang paksa ng pagkabigo (disappointment) at disiplina (discipline), ayon sa artikulo sa sinulat ng isang mom, si Charity Mathews, sa Today’s Parent.
Aniya, dapat matutunan ng bata na magpasalamat na may naghahanda ng pagkain para sa kanya. Kaya kailangang tanggapin niya kung ano ang nakahaing ulam kahit hindi iyon ang inaasahan niya.
Mas mabuti na raw na habang bata ay malaman na niya kung paano harapin ang disappointment, pati na ang discomfort, kesa naman kalakihan na lang ang pagkukulang na iyon.
Hindi nga naman araw-araw birthday party, kung kailan nakukuha ng bata ang mga gusto niya. Minsan masarap ang ulam para sa kanya at minsan naman, ayaw niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNasusubok tuloy ang kanyang table manners at baka bigla na lang magdabog, magwala, o mag-iiyak. Malamang magagalit ang magulang, pagagalitan ang anak at maaari pang parusahan.
Paano iwasan ang hiwalay na pagkain
Ang ganoong eksena sa hapag-kainan ay puwedeng maiwasan ng magulang kahit higit sa isa ang anak at iba-iba ang kanilang panlasa sa pagkain. Narito ang limang paraan ayon sa experience ni Mathews:
1 Subukan na lagyan na ang mga plato ng mga bata ng pagkain.
Bigyan sila ng kanin at ulam na pagkain sa lahat. Pero kaunti lang muna.
2 Huwag pansinin ang sasabihin ng mga bata.
Kung may papansinin na sasabihin niya, yung mga positibong komento, tulad ng “Salamat,” at “Mukhang masarap.”
Kadalasan, walang masamang intensyon ang pagsasabi nila, gaya ng “Ayoko,” “Hindi ko gusto,” “Ayan na naman ang ulam?” Ganyan kasi ang paraan nila sa pagharap sa disappointment. Huwag pairalin ang init ng ulo. Paalalahanan na lang ang mga bata na magpasalamat sa biyaya.
3 Dagdaagan ang kanyang pagkain kapag may kaunti na siyang nakain.
Kapag natapos nang kainin ng isang bata ang kaunting pagkain sa kanyang plato, maaari siyang bigyan muli ng pagkain. Pagkakataon naman iyon para sa magulang na ituro ang pagsasabi ng thank you.
4 Sa pagkakataong maghahain ng ulam na hindi pa subok na magugustuhan ng mga bata, makakatulong kung tatanungin ang kanilang mga opinyon tungkol sa pagkain.
Sapat na ang hand gestures na Thumbs Up, Thumbs Middle, o Thumbs Down para masabi ang kanilang saloobin. Hindi na nila kailangang magbigay ng komento, lalo na kung negatibo.
CONTINUE READING BELOWwatch now5 Habang kumakain, subukan na ilayo ang usapan tungkol sa pagkain.
Magbukas ng ibang paksa para may ibang bagay na pag-usapan. Isang halimbawa ang pagsasabi ng mga magagandang bagay tungkol sa taong kaharap sa hapag-kainan. Hindi ito madaling gawin, pero makakasanayan naman sa paglipas ng panahon.
Mahalaga rin ang may give-and-take. Tanungin ang anak kung ano ang gusto nilang ulam o kung may request sila para sa breakfast. Pwede mag-negotiate kayong dalawa kung kailan gagawin yun, pwedeng once or twice a week.
Hindi naman kailangan perfect ang bawat meal at pagsasalo sa dining table. Hindi rin naman kasi robot ang mga bata na puwedeng i-program ang kanilang sasabihin. Ang mahalaga, makuha ang pagkakataon na magkapagbigay ng aral habang nagsasalo sa hapag-kainan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments