
PHOTO BY Instagram/Ryza Cenon

Trending in Summit Network
Kamakailan nga ay ibinalita ng aktres na si Ryza Cenon na siya'y limang buwang buntis. Baby boy ang magiging anak nila ng kanyang partner, ang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.
Marami ang talaga namang natuwa at nagulat, hindi lang dahil sa pasabog na announcement ni Ryza kundi pati na rin sa kanyang short hair.
Dito niya ikinwento na nakakaranas siya ng hair fall kaakibat pa ng ilang mga pregnancy symptoms katulad ng malimit na pagsusuka.
Sa kabila nito, confident pa rin niyang sinabing handa na siyang maging ina. Dati na rin kasi siyang nag-alala na baka hindi siya magkaanak dahil na rin sa pagkakaroon niya ng inverted uterus.
Kaya naman hindi kataka-takang excited siya na makilala na ang kanyang paparating na baby. Ibinahagi pa nga niya sa kanyang Instagram account ang sonograph ng kanyang baby.
"Hello there sweetheart!" caption niya dito. Kaakibat ng larawan ang hashtag 22 weeks, 7 days.
Nasa social media na rin ng aktres ang maternity shoot niyang may temang "Oppa". Kwento niya sa Preview.ph, nang mag-trending daw ang kanyang hairstyle online, marami ang nakapansin at nagsabing kamukha niya si Lee Min Ho.
Sabi rin ng kanyang hair stylist na si Mycke Arcano, ang haba ng buhok ni Ryza ay maihahalintulad sa mga trending hairstyles ng mga Korean male idols.
Kung mahilig ka sa K-Drama at gusto mo ng kakaibang maternity shoot, pwede mong gawing inspirasyon ang kay shoot ni Ryza.
Kung naghahanap ka pa ng iba pang celebrity pregnancies at balita, i-click mo lang ito. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.