-
Ito Ang Dahilan Kung Bakit Madalas Kang Mamalo At Maiksi Ang Pasensya Mo
Huwag kang mag-alala dahil maraming simpleng solusyon para dito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Gaya ng tinalakay namin sa isang naunang Smart Parenting article, lumalabas na ang mom rage o iyong labis na galit ay hindi lang basta-basta nangyayari. Ito'y malimit nagmumula sa mga pangangailangan ng isang nanay na hindi niya nakukuha.
Kabilang nga sa mga pangangailangang ito ay ang sapat na pahinga, panahon para sa kanyang sarili, at suporta mula sa kanilang partner. Kung hindi nakakamit ng mga nanay ang mga pangangailangan ito, maaari silang maging iritable.
Pagod din ang nakikita ng maraming dalubhasa na dahilan kung bakit may mga nanay na madalas na mamalo at talagang maiksi ang pasensya.
Maraming mga magulang ang talagang overworked o subsob sa trabaho. Ayon nga sa mga pag-aaral, ang isang nanay ay nagtatrabaho nang mahigit 98 oras kada linggo at 17 minuto lang ng free time para sa kanyang sarili kada araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgayong may distance learning pa, mas nadagdagan pa ang mga kailangang gawin ng mga magulang, lalong-lalo na ang mga nanay. Isama mo pa ang invisible chores at hindi talaga katakataka na mabilis mapikon ang mga nanay na siya namang humahantong sa pamamalo.
Kung relate ka dito, ibig sabihin, kailangan mong magpahinga. Narito ang ilan sa mga pinakasimpleng bagay na pwede mong gawin para maiwasan ang burnout, lungkot, at mom rage.
Mga simpleng paraan para makapag-relax ka kung pagod na pagod ka na:
Magsulat (o gumuhit) sa journal
Hindi kailangan ng mahabang akda. Sa tuwing mararamdaman mo na parang sasabog ka na, isulat mo lang ito nang mabilis sa iyong journal.
Magpatugtog ng masaya (o paborito) mong musika
Isa ito sa pinakamabisa at pinakamabilis na paraan para gumaan ang pakiramdam mo kung nagsisimula ka nang mapikon o maubusan ng pasensya sa mga anak mo.
Magtimpla ka muna ng paborito mong inumin
CONTINUE READING BELOWwatch nowMadaling sabihin, mahirap gawin. Biro nga ng mga nanay, madalang silang makainom ng mainit na kape dahil sa dami ng gagawin. Pero alam mo bang malaki ang maitutulong kahit ng simpleng juice o tsaa lang?
Makipagkwentuhan sa kaibigan
Sabi pa ng mga eksperto, malaki rin daw ang naitutulong ng pagkakaroon ng mga mommy friends. Kung wala ka pang mommy barkada, maaari kang makakilala sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Makikulay sa coloring book ng anak mo
Hindi ba't minsang nauso ang mga adult coloring books? Napatunayan na kasi ng maraming mga nanay na epektibo ito pagdating sa pagpapakalma. Kung wala kang oras, pwede kang sumabay kapag nagkukulay ang anak mo. Bukod sa bonding na ito, nakapagpahinga pa ang isip mo kahit kaunti.
Subukan ang tinatawag na 'social media kindness spree'
Magpost ka lang ng mga magaganda at pampa-good vibes na comments sa profiles ng mga kaibigan mo. Ang pagpapakalat ng good vibes at kindness kasi ay nakakahawa. Hindi ba't maganda sa pakiramdam na nakapagpasaya ka rin ng kapwa mo nanay o ng ilan sa mga kaibigan mo?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMag-meditate habang natutulog ang anak mo
Gamitin mo ang nap time ng anak mo para makapag-meditate. Ipikit mo lang ang mga mata mo at maupo saan mang bahagi ng bahay ninyo.
Wala kang espesyal na dasal na gagawin. Wala kang kailangang i-chant. Bilangin mo lang ang iyong inhale at exhale. Sapat na ito para maalis ang isip mo sa kung ano mang nagpapabigat sa damdamin mo.
Sundan ang 'rule of three'
Isulat mo o maging aware ka sa tatlong bagay na inaasahan mo o hinihiling mong mangyari. Pwede mo ring isulat ang ano mang goal o intention na mayroon ka at saka mo ito idikit sa kung saan madali at madalas mo itong makikita.
Hayaan mong maramdaman ang lungkot
Makakatulong din kung hahayaan mong maramdaman ang lungkot. Minsan, malaki ang maitutulong ng panandaliang pag-iyak.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin kung napapansin mong umiiksi na ang pasensya mo at napapalo mo na ng mas madalas ang mga anak mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi man madaling gawin ang mga ito, importante pa ring ipilit mong maisama sila sa araw mo. Sabi nga ng mga eksperto, kung hindi mo inaalagaan ang iyong sarili, hindi ka magkakaroon ng sapat na pasensya, enerhiya, at passion para alagaan ang pamilya mo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments