-
JC, Bianca, Patrick, at Nikka Nagkwento Kung Sino Ang 'Bad Cop' At Madaling Bumigay
Nagkwento din ang dalawang couples tungkol sa kanilang mga discipline styles.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

All girls ang mga supling nina JC at Bianca Gonzalez-Intal, katulad nila Patrick at Nikka Martinez-Garcia. Merong two daughters sina JC at Bianca, samantalang three daughters ang kina Patrick at Nikka. Sabay na nagbahagi ang celebrity couples ng kanilang mga karanasan bilang mga magulang sa parenting forum na inorganisa ng Similac GainSchool, noong November 13 sa The Mess Hall restaurant sa Makati City.
Kung ang basketbolistang si JC ay nais pang magkaroon sila ni Bianca ng two boys, kuntento naman si Bianca sa mga anak na sina Lucia, 4 years old, at Carmen, 1 year old. Paliwanag ni Bianca sa SmartParenting.com.ph ay mahirap at magastos kung lumaki pa ang kanilang pamilya.
Aniya, “For me, ha, a big consideration kung bakit I say okay na ’ko sa two kids is aside from one, pagod na pagod na ’ko, it’s really financial. It’s very costly to bring up a child, and siyempre, kami, as parents, gusto namin meron kaming, kumbaga, may gusto kami sa anak namin. Ideally, ganitong school. Ideally, makapagbiyahe kami. With two kids, it’s already very expensive. Parang okay na kami do’n to work hard for our kids. Ako, happy na ’ko. Ayoko na ng two boys. I mean, of course, kids are a blessing from God, but there’s family planning.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kabilang banda, sabay na nag-aasam ang aktor na si Patrick at ang kanyang misis na si Nikka na bigyan ng baby brother sina Michelle, 6; Patrice, 3; and Pia, na magtu-two years old sa December 27. Kuwento ng Garcia couple sa amin na susubukan nilang magkaanak muli, ngunit magiging huli na iyon, sakaling makabuo na sila ng lalaki sa wakas o maging babae pa rin ito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowTungkol naman sa usaping good cop at bad cop sa pagdi-disiplina sa kanilang mga anak, inamin ng celebrity dads na pareho silang good cop. Katwiran ni Patrick, “Mga babae kasi.” Habang komento naman ni JC, “Siguro kung boy ang anak ko, magiging bad cop ako. Pero di talaga ako maka-no sa girls ko.”
Pinatotoohan naman ni Bianca ang pahayag ni JC. Aniya, minsan daw ay ipinasa niya sa kanyang mister ang pagdisiplina sa kanilang panganay at sumubok naman ito. Tinawag ni Daddy JC si Lucia at pinagsabihan, ngunit nang magsimula nang humikbi ang bata ay lumambot na kaagad ang puso nito at madaling nagpatawad. Sabi ni Bianca, sabay iling sa asawa, “Grabe, it didn’t even last five minutes, bumigay siya agad.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMalambot din ang puso ni Daddy Patrick sa mga anak kaya hindi niya maatim na paluin ang mga ito. Kaya naman, ang malambing na reklamo ni Mommy Nikka ay napipilitan tuloy siyang maging chief disciplinarian sa kanilang tahanan. Aniya, “Minsan ako, ang laki-laki na ng mata ko, ‘Daddy, ikaw naman. Kakatapos ko lang mamalo.’ Hindi pa rin niya naiintindihan. So ako talaga ang bad cop.”
Paliwanag naman ni Patrick na ang pamamalo nila ay halos dampi lang sa balat ng mga bata. Ito raw ay hindi para saktan sila, bagkus ay magbigay paalala sa mali nilang nagawa na hindi na dapat ulitin pa. “Pag ako ’yong inuutusan na pumalo, nahihirapan ako kasi siyempre babae,” wika niya. “’Tapos ako ang may hawak ng stick. Malaking bagay talaga sa akin. [Kaya sabi ko sa asawa ko] ‘Ikaw na lang.’ We don’t make palo to hurt. It’s out of love.”
Dagdag pa ni Nikka na pagkatapos paluin ang bata ay kinakausap nila ito. Hinihintay lang muna nila na humupa ang sama ng loob ng bata at hinayaang mapag-isa sa kuwarto. 'Pag handa na ito ay pinapaliwanag nila ang dahilan ng kanilang pamamalo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWEffective ba ang spanking o pamamalo? Basahin dito ang sabi ng isang group ng pediatricians.

- Shares
- Comments