embed embed2
  • Umabot Sa Higit P50-M Ang Ginastos Ni Joel Cruz Para Sa Surrogacy Ng 8 Anak

    Bukas din si Joel na ipaliwanag sa mga anak ang kanyang gender.
    by Angela Baylon .
Umabot Sa Higit P50-M Ang Ginastos Ni Joel Cruz Para Sa Surrogacy Ng 8 Anak
PHOTO BY youtube/karen davila
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Hindi pangkaraniwan ang pinagdaanan ng negosyanteng si Joel Cruz para matupad ang pangarap na magkaroon ng masaya at malaking pamilya. Ngayong naisakatuparan na ito, aminado pa rin si Joel na hindi talaga biro ang pagiging single parent lalo sa walong anak.

    Binansagang "Lord of Scent" si Joel dahil sa tagumpay na narating ng kanyang negosyo. Siya ang may-ari ng local fragrance brand na Aficionado Germany Perfume.

    Sa pagbisita ng batikang mamamahayag na si Karen Davila sa mansyon ni Joel, makikita ang pagiging malapit ng mga bata sa kanilang ama. Dahil pare-pareho nang nasa toddler stage ang mga bunsong anak, aminado si Joel na makukulit na ang mga ito. Tanong ni Karen kay Joel: "Hindi ka naiinis?" 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "No. Kapag mali lang 'yung ginawa doon, kakausapin ko sila," sagot ni Joel.

    Kuwento ni Joel, mas naging malapit siya sa mga anak nitong pandemya.
    PHOTO BY youtube/karen davila

    Joel, gumastos ng Php50 million para sa surrogacy

    Surrogacy ang tawag sa prosesong pinagdaanan ni Joel para magkaroon ng mga anak. Sa kaso ni Joel, hindi man pare-pareho ang mga nagdala sa mga bata,  iisang babae lamang ang piniling pagmulan ng egg cell. Kaya naman magkakapatid talaga ang walong bata dahil iisa lang ang kanilang biological mother.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa walong anak ni Joel, tatlo ang may mga kakambal. Pinakamatanda sina Princess at Prince, 9, at sinundan nila Harry at Harvey, 6. Pinakabata sa mga kambal sina Charles at Charlotte na 4 na taong gulang na ngayon. Sa lahat naman ng magkakapatid pinakabata sina Zaid, 3, at Ziv, 2.

    Siniguro talaga ni Joel na isa lang ang piliing biological mother ng mga anak.
    PHOTO BY youtube/karen davila
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ni Joel, Php12 million ang inabot para sa surrogacy ng isa palang na kambal. Aniya, hindi niya alintana kung gaano kalaking halaga ang kanyang ginastos.

    "Hindi mahalaga sa akin ang pera. Nagtatrabaho talaga ako para magkaroon ng anak," ani Joel.

    Tapat si Joel sa mga anak tungkol sa surrogacy at kanyang kasarian

    Aminado ang isa sa mga panganay ni Joel na si Prince na minsa'y tinatanong niya ang ama tungkol sa kanilang ina. Ani Joel, wala siyang planong ilihim sa mga anak kung paano sila nabuo.

    "I'm so blessed that they seldom ask for their mom. Because siguro my full support sa kanila, 'yung full love and attention. I really have to do that. As a single father, it's a big resonsibility sa akin. I have to do two things, the mother, the father. And, they're eight — ang hirap ang dami.

    But I'm telling them also, their mom, she has a family, she has a daughter. I really have to be honest," paliwanag ni Joel.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukas din si Joel sa pagpapaliwanag sa mga anak tungkol sa kanyang gender bilang isang gay. 

    "They know also na I'm not a straight guy...In a simple way, they know, as a gay, I'm the kind of person na I don't want to have a partner [who is] a woman," sabi ni Joel.

    Sa kabila ng karangyaang tinatamasa, para kay Joel, wala pa ring tutumbas sa saya at pagmamahal na nakukuha mula sa pamilya. Kaya naman isa rin sa mga aral na natutunan ni Joel nitong pandemya ang maging mas malapit sa kanyang mga anak.

    "'Yung closeness ko sa mga anak ko, na-enjoy talaga nila 'yon. Kasi nung walang pandemic, normal pa, workaholic ako...limited 'yung time ko sa kids. Siguro 'yun ang isang purpose ni Lord, na 'you have to give quality time with your family," pagbabahagi ni Joel.

    Panoorin ang kabuuan ng interview ni Karen Davila kay Joel dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang iba't ibang kwento ng mga single parents at ang mga hamong kinakaharap nila bilang magulang.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close