embed embed2
Viral Ang Daddy Na Ito Dahil Sa Kakaibang Twinning Nila Ng Anak Niya
PHOTO BY Facebook/Althea s Party Depot/Sheila Jane Monte
  • Sabi nga nila, walang hindi gagawin ang mga magulang para sa kanilang anak. Ultimo ang pagkaing isusubo na nila, ibibigay pa rin nila sa mga anak nila.

    Kaya naman hindi na kami nagtaka nang makita namin online ang larawan ni daddy Carmelo Martinez na nag-a la Minnie Mouse para ternohan ang anak niya na nagdiwang kamakailan ng second birthday.

    Marami ang humanga at naka-relate kay daddy na masayang-masaya at game na game na nag-pose sa tabi ng kanyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagay na bagay sa Minnie Mouse theme ng party ang costume ng mag-ama. Althea's Party Depot ang kanilang party needs provider at siyang punong-abalang tumulong sa pamilya para maisakatuparan ang birthday party ni baby.

    Hindi ito ang unang beses na nakita namin ang walang kapantay na pagmamahal ng mga tatay sa kanilang mga anak.

    Naalala niyo pa ba ang daddy na nag-viral dahil sa magagandang gowns na tinatahi niya para sa kanyang anak?

    Nag-aral talaga si daddy Greg Masil kung paano manahi para magawan ng talaga namang dekalidad na gowns para sa kanyang mga anak na babae.

    Eh ang tatay na isinakripisyo ang kanyang mga alagang manok para mabilhan ng smartphone na pang distance learning ang kanyang anak? Naaalala niyo pa ba siya?

    Hindi inalintana ni daddy Lemur Enriquez ang kanyang sarili, basta maibigay niya lang ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

    Nariyan din ang sakripisyo ng mga tatay nang sila ang maging "runner" natin para makabili ng supplies noong kasagsagan ng pandemic.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hindi rin matatawaran ang mga DIY projects na ginawa nila para sa kanilang pamilya ngayong taon at sa mga nakaraan.

    Inilista namin lahat ng mga #GalingNiDaddy moments na iyan para pwedeng balik-balikan.

    Ikaw? Anong pinaka ipinagpapasalamat ninyo kay daddy? I-share ang mga #GalingNiDaddy moments na Iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close