embed embed2
  • Karla Estrada: 'Don’t Feel Sorry For Single Mothers. Instead, Admire Their Strength'

    “Maraming salamat mga anak at pinagaan n’yo ang buhay ko mula noon hanggang ngayon.”
    by Jocelyn Valle .
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Umagaw ng pansin ang Instagram post ni Karla Estrada nitong January 16, 2020. Throwback video ito na kuha sa isa niyang TV guesting na halos 25 years na ang nakakaraan. Karga niya ang baby pa noon na panganay niyang si Daniel Padilla, na kilala na ngayong top matinee idol. 

    Marami sa commenters ang napahanga sa ganda ni Karla, na nagsimula ang career sa showbiz bilang miyembro ng teen variety show na That’s Entertainment at nagtuloy sa pagiging singer/actress/host. (Sobra rin silang nabighani sa cuteness ni Baby Daniel.)

    Pero ang talagang pumukaw ng damdamin ng lahat ay ang iyak-tawang salaysay ni Karla bilang single mother. Aniya sa caption, 20 years old lamang siya sa video at sinisimulan ang kuwento niya bilang “struggling mother” na itinataguyod mag-isa ang anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabalik-tanaw niya, “Kahit ano pa man ang pinagdadaanan ko sa mga panahon na ’yan ay napapawi sa bawat ngiti na binibigay ng aking unang anak na si Daniel, at ito ay nasundan pa ng mga anghel na nagpaligaya pa sa akin.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Maraming salamat mga anak at pinagaan n’yo ang buhay ko mula noon hanggang ngayon,” sabi niya patungkol kay Daniel at half-siblings ng aktor na sina Jose Carlito (JC), Margaret (Magui), at Carmella (Lelay).

    Hindi kaila sa publiko na bunga ang apat na magkakapatid sa apat na dating karelasyon ni Karla.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa naunang post, ibinahagi ng Magandang Buhay co-host ang saloobin sa solong pagpapalaki sa mga anak na tinatawag niyang “my pride.”

    Pahayag ni Karla, “Don’t feel sorry for single mothers. Instead, admire their strength. Tayong lahat ay may sariling opinyon about the right way to raise a child and the right way to be a family. Tulad ng karamihan ng mga nanay, marami din akong natanggap na criticism tungkol sa pagpapalaki ng aking mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “As a mother we have a duty to those we love to soldier on. Despite the doubt, I chose to keep fighting for and with my family with a smile. I never hid who I was or what my family was. Even when I was alone and struggling with my own problems, I made sure I was present sa bawat milestone, recital, success, at heartbreak. 

    “Pinaka-importante sa akin na alam ng mga anak ko na nandito ang kanila ina para sa kanila. Kaya go lang nang go. Lahat ng pagod at hirap na pagdadaanan magbubunga rin. Now, I have 4 strong and beautiful children who all are achievers in what they do!”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles