-
Ang Cute! Ganito Ang Kulitan Nina Jhong Hilario At Smokey Manaloto Sa Kanilang Mga Anak
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga tatay sa paglaki ng kanilang mga anak katuwang ang mga nanay. Ang simpleng pakikipaglaro, halimbawa, ay may hatid na mga benepisyo sa mga bata (basahin dito).
Jhong Hilario
Kahit sobrang busy si Jhong Hilario sa pagiging konsehal ng Makati City first district at co-host ng It's Showtime, hindi siya nawawalan ng oras para sa kanyang anak na si Sarina. Si Sarina, na Sari ang palayaw, ang unica hija ni Jhong at kanyang partner na si Maia Leviste Azores.
Sa katunayan, malimit mag-post si Jhong ng mga video nila ni Sarina na nagkukulitan, na siya namang kinagigiliwan ng kanyang followers. Isa sa video posts ay may caption na ganito: "Acting workshop muna."
Tila kasi tinuturuan ni Jhong, na nagsimula sa showbiz bilang miyembro ng Streetboys dance group at saka naging artista, ng pag-arte ang anak na magtu-two years old sa March 27, 2023. (Basahin dito ang 2-year-old developmental milestones.)
Tanong ni Jhong sa video, "Sari, di ba you want to be an actress someday? Yes? Let’s practice, okay?"
Nang sabihan niya ang anak na, "Show me how to cry," nilukot ng bata ang kanyang mukha hanggang lumiit ang mga mata na tila umiiyak." Pag-udyok pa ng tatay, "With sound." Kaya gumawa ng tunog na "huhuhu" ang bata.
Sumunod na sabi ni Jhong, "Show me how to laugh," kaya sumagot si Sari ng “hahaha!” Dugtong naman ni Daddy, "Mas malakas," at nilakasan naman si Baby ang "hahaha!"
Pagpapatuloy ni Jhong, "Show me how to shout," at sumigaw naman si Sari. Nang sabihin ni Jhong na, "Show me how to fall asleep," pumikit si Sari nang saglit. Kaya komento ng daddy, ‘Yung matagal." Kaya pumikit ulit si baby at isinandal ang ulo sa braso ng kanyang tatay na parang natutulog.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay naisip pa si Jhong na ipagawa sa anak, "Show me...Paano ’yung…gulat!" Nanlaki naman ang mga mata ni Sari. Pinagalaw niya rin ang ilong nang sabihan siyang "Show me how to move your nose."
Tuwang-tuwang si Jhong sa kuwela nilang paglalaro, at humingi pa ng halik sa kanyang anak. Pinagbigyan naman siya ni Sari.
Aliw na aliw din ang followers ni Jhong, kabilang ang mga kapwa artista at magulang na sina Kitkat Favia, Jolina Magdangal, at Karla Estrada, na kumare pala niya.
PHOTO BY Instagram/jhonghilarioSmokey Manaloto
Naging tatay si Smokey Manaloto sa edad 51 nang manganak ang kanyang partner noong August 4, 2022 (basahin dito). Pinangalanan nilang Kiko ang kanilang baby boy. (Basahin dito ang 7-month-old developmental milestones.)
Ibinibida ng aktor ang kanyang anak sa social media sa pag-post ng mga litrato at video, na kinagigiliwan din ng kanyang followers. Sa isang video post, nagkuwento siya sa caption, "Ito ang bagong talent ng anak ko… ang maging tape recorder na nire-rewind… hahahhaha!!"
CONTINUE READING BELOWwatch nowMapapanood sa video ang ibig sabihin ni Smokey. Nang ilagay niya ang isang daliri sa pagitan ng mga labi ng anak ay biglang gumawa ng tunog si Baby Kiko. Ito ang tunog na, aniya, kaparis ng tunog kapag pinagpabalik (rewind) o pinapabilis (fast-forward) ang ikot ng ng cassette tape sa tape recorder. Alam ito ng mga lumaki sa mga naunang dekada hanggang 1990s.
"Pag tinanggal," sabi ni Smokey pagkatapos alisin ang daliri sa pagitan ng mga labi ng baby, "tatahimik." Dugtong niya, habang nilalagay ulit ang daliri, "Pag binalik," at iyon na nga, gumagawa na naman ng tunog ang anak.
Naaliw ang followers ni Smokey, tulad nila ng mga kaibigan at katrabahong sina Angelica Panganiban at Candy Pangilinan.
PHOTO BY Instagram/smokey_manalotoSumagot si Smokey kay Angelica, na naging magulang din noong 2022 (basahin dito).
PHOTO BY Instagram/smokey_manalotoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito kung ano ang sinasabing bare minimum ng pagiging tatay.
What other parents are reading

- Shares
- Comments