embed embed2
  • Relate Ka Ba? Pinagtatalunan Na Ni LJ Moreno At Anak Ang Pananamit Nito

    Sabi ni LJ, may "own sense of style" na si Keona sa edad nitong 6 years old.
    by Jocelyn Valle .
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    “Very confident” kung ilarawan ni LJ Moreno si Keona Alapag, ang six-year-old middle child at only daughter nila ng asawang si Jimmy Alapag. Nakabase silang mag-anak, kabilang ang dalawa pang bata, sa United States simula noong September 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagkaroon ang mag-ina ng “girl time,” na siyang mapapanood sa March 3, 2021 episode ng YouTube channel na tinatawag nilang Alapag Family Fun.

    Makikita doon ang confidence ng bata habang nagsha-shopping, nagpapalinis ng kuko, at nagpapagupit ng buhok. Alam na niya ang gagawin sa bawat activity at kung ano ang gusto niyang mangyari.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang problema minsan, sabi ni LJ sa vlog, nagtatalo sila ni Keona tungkol sa pananamit ng bata. Kung, halimbawa, nais niyang pasuotin ang anak ng partikular na damit, igigiit pa rin nito ang sariling pasya. May “own sense of style” na raw kasi ang batang babae. 

    Paliwanag ni Keona sa vlog din, “I usually choose what looks good.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag komento pa ng bata habang kumakain silang mag-ina ng fast-food takeout sa loob ng kanilang sasakyan: “My mom always drinks my thing, and I see lipstick…She always eats my food.”

    Sagot naman ni LJ, “I eat your leftover.” Pero aminado siyang hindi umo-order ng sariling French fries para makaiwas sana sa additional calories, lalo na kung kakain siya ng hamburger. Kaya tuloy nakikikain siya ng French fries sa anak.

    Nagkasundo naman ang mag-ina sa naging resulta ng kanilang hair salon trip. Pareho nilang nagustuhan ang hair cut na ginawa sa kanila ng kaibigan ni LJ na hairstylist at salon owner. Sulit daw ang pagdayo nila sa ibang parte ng U.S. state na California, kung saan isang oras na pagmamaneho ang layo sa kanilang tirahan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “We’re super happy,” lahad ni LJ. Lalo na raw si Keona, na may kulot ang buhok dahil ginamitan ng hair dryer. “She always asks for curly hair.”

    Mapapanood ang vlog episode ng mag-inang LJ and Keona dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles