embed embed2
Ito Ang Solusyon Ni Marian Rivera Para Maubos Ang School Baon Ng Mga Anak Niya
PHOTO BY Instagram/marianrivera
  • Ngayong bumalik na sa face-bo-face classes ang mga estudyante, abala na ulit si Marian Rivera sa paghahanda ng baon ng mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.

    Kuwento ni Marian tungkol sa paghahanda ng baon nina Zia, 7, at Sixto, 3: "Minsan nadi-disappoint ako na, halimbawa, ire-ready ko s’ya, ‘Oh, anak, bakit parang konti ang nakain mo?’ ‘Ah, Mom, maybe I don’t like this one.' ‘O, sige.’ So, sabi ko, ‘Ah, gano’n.’"

    Kaya nakaisip ang actress-TV host ng mga paraan para siguradong magustuhan at maubos ng mga anak ang mga hinahanda niya ng mga school baon.

    Ibinahagi ni Marian ang kanyang baon tips habang nagaganap ang "Prime Kitchen Masterclass Holiday Edition" nitong December 3, 2022. Inorganisa ito ng Mega Prime, isang Filipino brand ng canned goods na kanyang iniendorso.

    Marian's baon tips

    1. Isali ang mga anak sa pag-isip ng mga ihahandang baon.

    Sabado pa lang, kinakausap na ni Marian sina Zia at Sixto kung ano ang gusto nilang baon mula Lunes hanggang Biyernes.

    Aniya, "So nagre-request sila, nagsasabi naman sila. Although is Sixto, snack lang. Si Zia ang importante kasi meron s’yang lunch and meron s’yang snack, ’tapos may snack pa ulit. So dalawang snacks ka, ‘tapos may lunch."

    Dugtong niya, "So mahalaga talaga na i-involve sila na para walang rason kung di nila magustuhan kasi, 'Sinabi mo ’yan sa akin, so you have to eat that.'"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Gumawa ng lingguhang listahan ng pambaon.

    Pansin ni Marian sa karanasan ng mga kapwa niya mommy: "Minsan pag nagpapabaon tayo, nauubusan tayo ng iisipin. ‘Ano ba ang ibabaon bukas?’"

    Kaya payo niya na Saturday pa lang ay isulat na kung ano ang ipapabaon sa mga anak para sa Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, at Friday.

    Paliwanag niya, "Para hindi ’yung gabi, matutulog ka na, ‘Ano nga ba ang ibabaon ng anak ko?’ At least ready ka na the whole week, nailista mo na.

    (Basahin dito para sa ilang recipes na puwede gawin ahead of time.)

    3. Mag-iwan ng munting sulat sa baunan ng mga anak.

    Pagmamalaki ni Marian na siya mismo ang naghahanda ng pang-araw-araw na baon nina Zia at Sixto. Kung minsan, nag-iiwan siya ng munting sulat, o note, sa baunan dahil, halimbawa, hindi siya mismo ang magsusundo sa kanila mula sa eskuwela.

    Sinasabihan niya ang mga anak sa pamamagitan ng sulat: "Enjoy your meal. I’m gonna see you in a while."

    Punto ni Marian: "Para alam n’ya na umalis ako. Para maramdaman n’ya na, ‘Ah, mom loves me so much.’"

    Paniwala niya na hindi kailangan araw-araw na mag-iwan ng sulat dahil hindi na ito magiging "big deal" para sa mga anak.

    Lahad niya, "Every once in a while, i-surprise mo sila na may letter ka. Or inside the bag, hindi nila alam kung ni-ready mo, nakalagay lang do’n, ‘I love you. Just take care today.' Malaking impact ’yun for them."

    (Basahin dito kung paano gumawa ng bento box baon.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    4. Gamitin ang paghahanda ng baon bilang paksa ng pag-uusap.

    Sabi pa ni Marian ay mahalaga na idaan din sa salita ang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa mga anak. Kaya tinatanong niya sina Zia at Sixto ng ganito: "O, nagustuhan mo ba ang food na ni-ready ko?"

    Ito naman ang kasunod na paalala sa mga anak: "Uy, ni-ready 'yan ni Mama para sa ’yo."

    Paliwanag niya, "So para nalalaman nila."

    Basahin dito ang baon tips naman ni Chef Rosebud Benitez.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close