Bilang isang nanay, hindi maiiwasang naibubuhos natin ang lahat ng ating oras sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa ating mga pamilya. Lalo kung maliliit pa ang ating mga anak, nariyang nakatutok talaga tayo sa bawat galaw nila. Kaya naman, hindi maiiwasang minsan ay nawawalan na tayo ng oras sa ating mga sarili.
Napakaimportante na magkaroon tayo ng kaunting oras upang makapag-isa o 'yung tinatawag na "me time." Lagi nga naming sinasabi dito sa SmartParenting.com.ph na ang self-care ay hindi selfish — kapag naaalagaan natin ang ating sarili, mas lalo rin tayong nagiging confident sa pag-alaga ng ating mga anak.
'Me-time' realizations ni mommy
Pero nang dumating na ang inaasam-asam na me time, isang bittersweet na realization ang sumagi sa isip ni Mommy Grace Cruz. Narito ang kaniyang kwento:
Finally nakapag-"me time" din.
Wala ang mag-aama ko, nasa mga biyenan ko. Hindi ako sumama kasi mas pinili kong maglinis at maglaba. After ko maglinis kumain ako ng lunch tapos sabi ko makapag-kape nga tutal malinis na ang bahay.
Naisip ko, 'Yes! Sa wakas mauubos kong mainit ang kape ko.'
Sa dami ng gawain, madalas na lumalamig na lang ang kape ni Mommy Grace bago niya ito maubos.
PHOTO BY Grace Cruz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Habang hinihigop ko 'tong kape, nagpatugtog ako ng mga favorite songs ko habang nag-e-FB. Maya-maya biglang sumagi sa isip ko mga anak ko. Nasabi ko na lang bigla, 'Malungkot din pala.' Parang mahirap 'yung ganito, masaya ko mag-isa, mas malungkot sa feeling na malungkot.
Mas gugustuhin ko na lang andito sila — magulo, maingay ang bahay na parang araw-araw may rambulan.
Mas gusto kong andito sila may yumayakap sakin, may nangungulit sakin.
Mas gusto kong andito sila kahit makalat ang bahay.
Mas gugustuhin kong lumamig ang kape kong kakaasikaso sa kanila.
Kasi kako, one day mamimiss ko 'yun. Mamimiss kong may mga munting paang nagtatakbuhan sa bahay namin.
Nalungkot ako. Sabi ko one day kaming dalawa na lang ng asawa ko ang narito sa bahay na 'to tapos silang mga anak ko na 'yung walang time samin kasi may sari-sarili nang pamilya.
Naiyak talaga ko kanina. In-off ko 'yung music tapos huni na lang ng mga ibon naririnig ko. Lalo kong nalungkot. Tumingin ako sa gallery ng cellphone ko, nakita ko mga picture nila.
Maya-maya paghigop ko ng kape, malamig na. Lumamig hindi dahil sa pangungulit ng pamilya ko kung hindi, lumamig kakasilip sa mga litrato nila.
Ang kwentong ito ay unang ibinahagi sa aming Smart Parenting Village. Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.
Relate din si Lara Quigaman sa kwentong malamig na kape. Basahin dito.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.