-
'Hindi Ko Siya Binigyan Ng Choice,' Sagot Ni Mommy Para Kumain Ng Gulay Ang Anak
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Di biro ang pag-iisip ng mailuluto at maihahanda para sa buong pamilya tatlong beses sa isang araw, puwera pa ang merienda. Dagdag alalahanin kung pihikan ang anak sa gitna ng pagsusumikap ng magulang na magkaroon ng healthy diet. Makakatulong ang meal planning, tulad ng sample ng isang mommy.
Lahad ni Jho Vitangcol sa Smart Parenting Village Facebook group na sapilitan ang ginawa niyang paraan para kumain nang masustanya ang kanyang dalawang anak, lalo na ang panganay na 6 years old at ayaw ng gulay. Wala naman daw siyang problema sa bunso na 1 year old dahil lahat kinakain nito, maliban na lang sa okra.
Ayaw kumain ng gulay
Sabi ni Jho, hirap daw kasi ang nakakatandang bata na magdagdag ng timbang. Siya at kanyang asawa naman ay gustong magbawas ng timbang.
Kaya binago nila ang kanilang “diet.” Sinimulan niya ito sa pagtatanggal ng hot dog, bacon, luncheon meat, corned beef, at iba pang processed meat sa kanilang refrigerator at palitan ang ito ng “something healthier and colorful.”
Ngunit inamin niya na hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Ang panganay niya raw kasi, “bilang unang baby, she was spoiled with everything that she wants.”
Kabilang sa mga paborito ng bata ang fried chicken, chocolates, chips, gummy worms, at ice cream. Bagamat malakas itong kumain, hindi naman nadadagdagan ang timbang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pinakain ng gulay ang anak
Aniya, “We tried all the vitamins na puwede sa kanya. There are some that would work for a short period of time, ’tapos mawawala din ’yong effect.
“So, nahirapan akong pilitin siyang kumain ng prutas at gulay. Anong ginawa ko? Hindi ko siya binigyan ng choice.”
Kabilang sa mga hakbang na ginawa ni Jho para kumain ng gulay ang anak:
Paghinto sa pagbili ng processed food
Ang processed food na de lata na meron daw sila sa bahay ay mushroom.
Paglimita sa pagbibigay ng snack sa bata
Isang beses kada araw lang nakakatikim ang bata ng kinahihiligan nitong chocolate cupcake. Kung nais pa niya ng snack, fruits at nuts ang ibibigay sa kanya.
Paghindi sa paghahanap ng bata ng ibang ulam
Kasama na rin diyan ang paghihiling ng fast food. Sinasabihan siya ni mommy ng, “No, we don’t have money for that. Kung anong nasa plate mo, kainin mo. It’s for you.”
Paghuli sa kiliti ng bata
Dahil gusto niya ng omelette, panay ang luto ni mommy ng omelette gamit ang ibang rekado, gaya ng mushroom, carrots, bulaklak ng kalabasa, kamatis, at kung ano pang puwedeng isahog.
Ang resulta? “Since then,” lahad ni Jho, “siya na mismo ang nagre-remind sa ’kin to buy her fruits. Tumutulong din siya sa ’kin sa kitchen, and siya mismo nagre-recommend kung anong gulay ang masarap.
”Dagdag pa niya, “Both of my kids gained 2 kilos. Bihira na silang magkasakit (colds and cough). And nabawasan na ’yong cravings niya [‘yong panganay] sa matatamis.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowIto ang “veggie haul” ni Jo mula sa pamamalengke sa Divisoria dati. Sa halagang Php500, nakabili siya ng broccoli, cauliflower, carrot, corn, mushroom, tomato, at ilang bungkos ng green leafy vegetables.PHOTO BY courtesy of Jho VitangcolHealthy menu planning sample
Ibinahagi rin niya ang kanyang menu pool, bilang menu planning sample. Nahahati ito sa pitong columns na kinabibilangan ng mga uri ng pagkain na iluluto: fish, chicken, beef, pork, egg, seafood, at vegetables.
Sa ilalim ng bawat isa ang mga putahe, halimbawa: pinaputok na bangus, chicken adobo, beef bistek, pork nilaga, tortang talong, seafood ginataan, at vegetable stir fry.
Ilan sa kanila ay namahagi rin ng karanasan. Sana daw, sabi ng isang commenter, kumakain ng gulay ang lahat ng bata. Tortang talong lang daw ang kinakain ng mga anak niya.
Ito ang meal planning sample na ibinahagi ni Jho sa Smart Parenting Village.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSagot naman ni Jho na nagsimulang ma-enganyo ang kanyang panganay sa pamamagitan ng tortang talong. Hinayaan daw niyang magluto mag-isa ang bata ng tortang talong at saka niya ginawan ng video, na posted na ngayon sa YouTube. Mula diyan, nagustuhan na ng bata ang sayote at iba pang sautéed veggies.
Ayon sa Mayo Clinic, mainam na paraan ang menu planning para makasiguro sa balanced diet at nutritional needs, pati na makatipid ng pera sa pamimili at panahon sa pag-iisip ng ihahain sa mesa.
Basahin dito ang menu planning sample gamit ang paboratong pasta dishes ng mga bata.
What other parents are reading

- Shares
- Comments