Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Madaming Pagbabago sa Buhay Nanay: 'Kakapasok Mo Lang ng Banyo, Umiiyak na Si Baby'

    Ibinabahagi ng isang ina kung paano nagbago ang kanyang buhay sa pagdating ng kanyang anak.
    by Mary Jane Pujanes .
  • Parenting can be a lonely job. What helps is having a community who cheers and listens without judgment. And that's what our "Real Parenting" section is for: a space where parents can share the joys, pain and the mess that is parenthood.
    PHOTO BY iStock

    Dear nanay, nagbago ka na!

    Noon, napupuyat ka sa panonood ng paborito mong programa o kaya'y sa pakikinig ng senting kanta sa radyo. Anyare?

    Ngayon, late ka na natutulog dahil sa gawaing-bahay na magagawa mo lamang kapag tulog na si bulinggit.

    Noon, gumigising ka ng alas-singko ng umaga at umaalis ng bahay ng alas-sais para pumasok sa trabaho. Dati, kaya mong gawin ang iyong morning routine sa loob ng isang oras. Anyare?

    Ngayon, gigising ka ng alas-kwatro ng madaling araw. Sikat na ang araw, hindi ka pa nakakaligo sa dami ng dapat asikasuhin, isama pa ang pag-ungot maya't maya ni bulinggit na naramdamang wala ka sa kanyang tabi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Noon, hinding-hindi ka na-le-late sa trabaho at hindi ka uuwi hanggat hindi nag-uuwian ang mga kasama mo. Halos ikaw na nga ang magbukas at magsara ng gate araw-araw. Anyare?

    Ngayon, palagi kang buzzer beater sa umaga at isang minuto pa lang bago ang uwian sa hapon eh nasa may gate ka na.

    Noon, halos patayuan ka na ng rebulto dahil hinding-hindi ka umaabsent, kahit masama ang pakiramdam mo. Anyare?

    Ngayon, kulang na lang hingin mo ang leave ng katrabaho mo para lang makaabsent at maalagaan si bulinggit lalo na pag may sakit ito. Araw-araw mo ring pinapanalangin na sana mawalan ng pasok.

    Noon, palagi kang nangunguna sa pagdalo kapag may get-together ang barkada. Ikaw pa ang pasimuno sa pagset ng date ninyo. Anyare?

    Ngayon, ang tanong mo lagi, “pwede bang isama si bulinggit?” Kapag hindi pabor na isama siya, next time ka na lang pupunta.

    More from Smart Parenting

    Noon, nauubos ang oras mo kakatingin ng news feed para lang malaman mo ang anumang nangyayari sa social media. Anyare?

    Ngayon, napupuyat ka na kakabasa ng articles at posts tungkol sa pagiging magulang. Halos lahat ng page, artista, at ibang sikat na taong may koneksyon sa parenting ay sinundan mo na.

    Noon, puro selfie mo o pictures ninyo ni Mister ang laman ng gallery mo. Anyare?

    Ngayon, halos mapuno ang memory ng phone mo sa dami ng pictures at videos ni bulinggit. Halos lahat ng kilos niya dokumentado. Hindi mo na rin maalala kung kailan ka huling nagselfie na ikaw lang mag-isa.

    Noon, hiyang-hiya ka na mapataas ng kaunti ang suot mong damit sa takot na baka may makitang konting balat sa’yo. Anyare?

    Ngayon, wala ka nang pakialam kung may makita man sa'yo mapadede lang si bulinggit. Sa simbahan man, sa restaurant, sa jeep o bus, kahit saan pa 'yan. Basta humingi si bulinggit, kailangan siyang bigyan ng gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Noon, hinding hindi ka mapapasayaw at mapapakanta sa harap ng madaming tao. Feeling mo lagi kang lulubog sa hiya. Anyare?

    Ngayon, kahit walang tugtog napapasayaw ka malibang lang si bulinggit. At paborito mong playlist ay nursery rhymes. Kahit sa videoke si Old McDonald at Bahay Kubo pa rin ang bida.

    Noon, ginagawa mong concert stage ang banyo. Hindi mo na napapansin kung gaano ka na katagal sa loob. Anyare?

    Ngayon, kapapasok mo pa lang sa CR, parang narinig mo na agad na umiyak si bulinggit. Bubuksan mo ulit ang pinto para sumilip, at mapapatawa ka na lang na guni-guni mo lang pala. Magmamadali ka na lang sa pagligo sa takot na anumang oras ay maalimpungatan si bulinggit at hanapin ka niya.

    More from Smart Parenting

    Noon, halos mapaso ka sa pagkaexcite mong inumin ang masarap at mainit mong kape. Anyare?

    Ngayon, yung tinimpla mong mainit na kape sa umaga, nagiging iced coffee na sa tanghalian.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Oo, nanay. Nagbago ka na. Aminin mo man o hindi, nagbago ka na. Anyare?

    Pero nagbago ka naman sa mabuting paraan, nanay. Binabati kita! Dahil ikaw ang pinagandang IKAW. Marami ka mang bagay na di na magawa ngayong Nanay ka na, mas marami naman dun ang mga bagay na nagagawa mo na at magagawa pa dahil sa iyong anak. Dahil wala ka di kakayanin para sa kanya.

    Si Mary Jane Pujanes ay isang guro na hilig rin ang pag-sulat. Siya ay isang breastfeeding advocate at follower ng Maria Montessori. Ibinabahagi niya ang mga istorya at karanasan niya sa pagiging ina sa "Nanayhood," ang kanyang personal na blog.

     

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles