embed embed2
Best Of 2019: Mga #SPConfessions Na Hindi Namin Malilimutan
PHOTO BY iStock
  • Bukod sa mga cute na cute na larawan at mga nakakatawang videos, marami ring mga nanay at tatay ang nagpapadala sa amin ng mga sulat na naglalaman ng kanilang mga pinakatatagong lihim, mga hinanakit na hindi masabi at iba pa. Ito ang tinawag naming #SPConfessions. Narito ang ilan na talaga namang tumatak sa amin:

    Masamang Ina

    Bilang nanay, wala na sigurong mas bibigat pa sa matawag kang masamang ina. Walang nanay na naghangad ng masama para sa anak nila, kaya wala nang mas sasakit pa sa paratang na masama kang ina dahil sa mga choices mo para sa iyong anak. 

    Iyan ang narinig na comment ng isang nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, palagi siyang hinuhusgahan dahil sa choice niya na pagamitin ng gadget ang kanyang anak. Narito ang ilang bahagi ng kanyang kwento: 

    Napapagod na kasi ako sa mga tao na grabeng magsalita sa mga nanay na pinapayagang manood ang mga anak nila o yung mga hinahayaang mag cellphone ang mga anak nila. Yung mga kamag-anak ko, sasabihan pa ako na masama daw iyon para kay baby, hindi ko daw dapat hinahayaang nanonood ng cartoons. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alam ko naman iyon. Hindi ko naman ipapahamak ang kalusugan ng anak ko. Alam ko ang masamang naidudulot ng labis na screen time. Alam ko dahil binabasa ko ito at inaaaral ko itong mabuti. Lahat ng maaaring maging epekto nito sa anak ko ay iniintindi ko talaga.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi rin naman ako pumapayag na mahigit isang oras nakatingin sa screen ang anak ko. Regulated naman ang screen time niya. Minsan lang talaga, kailangan ko siyang iwan na hawak ang cellphone ko dahil ako lang naman mag-isa ang nag aalaga sa kanya. Bakit parang masamang ina na ako agad? Bakit ba palaging may judgment sa choices namin bilang nanay? Nakakapagod na na mag keep up sa standards ng iba.

    What other parents are reading


    Bakit ang payat ng anak mo?

    Madalas itong marinig ng mga nanay at isa ito sa mga ayaw na ayaw nilang naririnig. Bagaman ang timbang ng mga bata ay maaaring indikasyon ng kanilang kalusugan, hindi lamang ito ang nag-iisang basehan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakasanayan na kasi ng mga tao na isiping kapag mataba ang bata, ang ibig sabihin ay malusog ito. Kaya naman kapag nakakarinig ng komento ang mga nanay tungkol sa timbang ng mga anak nila, hindi maiwasang maapektuhan sila. Narito ang bahagi ng isang kwentong ipinadala sa amin:

    I updated my Facebook profile picture the other day, only for my baby to be subjected to comments like "bakit pumayat” at "madalas ka yata sa labas eh” na para bang kaya payat ang  anak ko ay dahil napapabayaan ko.

    I know I cannot please everyone with what I post, but what I cannot take is shaming my baby's weight and poking my mom guilt in the process. Ang masakit pa, ‘yung taong nag comment ay hindi naman isang ina at hindi rin isang medical professional.

    After walking away gracefully from the online conversation, I had to hide her comments and my entire Facebook account for my own sanity and to protect my baby from people like that. Bago ko ginawa ito ay sinabi ko naman sa kanyang akma ang timbang ng anak ko sa edad niya at walang nakitang dahilan ang mga doctor para i-consider siyang unhealthy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading


    Dapat na ba akong magtrabaho?

    Isa rin sa madalas na itanong ng mga nanay sa mga sarili nila ay kung dapat ba silang bumalik sa pagtatrabaho pagkatapos nilang manganak. Madalas, pakiramdam nila ay mahuhusgahan sila na masamang ina kapag iniwan nila ang kanilang mga anak para magtrabaho. May mga ina namang ayaw bumalik sa trabaho dahil ayaw ipaalaga o walang mag-aalaga sa anak nila. Kailangan ba talagang mamili? Narito ang kwentong ipinadala sa amin tungkol diyan:

    Tatlong taong gulang pa lang kasi ang panganay namin. CS ako sa parehong mga anak ko. Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong magre-resign o mag-eextend na lang muna ako ng leave. Hindi ko maiwan ang trabaho ko kasi gusto ko ang ginagawa ko. Okay lang naman kami financially. Nairaraos naman kami ng sahod ni hubby.

    Marami akong nababasang mga nanay na masaya sila na iniwan nila ang mga trabaho nila para maging full-time nanay. Ako, naguguluhan talaga ako. Nanghihinayang ako sa pinag-aralan ko pero at the same time, naiisip ko rin na paano ang mga anak ko. Hindi ko na alam kung ano nga bang dapat piliin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading


    Postpartum depression 

    Madalas ding sumulat sa amin ang mga nanay na nakakaranas ng postpartum depression, lalong-lalo na kung madalas ay hindi sila maintindihan ng kanilang mga kamag-anak. Narito ang isang kwentong ipinadala sa amin tungkol dito: 

    I know it’s wrong to feel this way. I don't know bakit sa loob ko may parte na ayaw sa anak ko. Nahihirapan ako tanggapin kung ano ang meron ngayon. I just gave birth 2 weeks ago. I have a very supportive husband pero he can't understand what I'm going through, sabi nya, “It’s all in the mind.”

    Siguro nga kaya mas lalong mahirap kung sarili mo na ang kalaban mo. Nakokonsensya ako kasi I see how much he loves our child, samantalang ako, nagiging pabigat pa sa kanya. Hindi ko alam paano ko icocollect ang sarili ko, I feel so alone.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga kwentong hindi namin makakalimutan ngayong 2019. Sa paparating na bagong taon, hiling naming mas maging magaan ito para sa mga nanay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village at Smart Parenting Facebook page. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito. 

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles