embed embed2
  • Ayaw Magbasa? Heto Ang Mga Subok Nang Paraan Para Lumaking Book Lover Ang Anak Mo

    Tiyak mahihilig sa libro ang anak mo sa mga paraang ito.
    by Ana Gonzales .
Ayaw Magbasa? Heto Ang Mga Subok Nang Paraan Para Lumaking Book Lover Ang Anak Mo
PHOTO BY courtesy of Natsu Argamosa
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.


    Isa sa mga pinakamagandang pwede mong ituro sa anak mo ay ang pagiging mahilig sa pagbabasa ng mga libro.

    Bukod kasi sa paglawak ng kanyang kaalaman, lalalim din ang kanyang kagustuhang matuto ng maraming bagay. Magandang paraan din ang pagbabasa para madala niya hanggang sa kanyang pagtanda ang curiosity na likas na mayroon ang mga bata.

    Kung hindi mo alam kung paano magpalaki ng isang book-lover, narito ang mga tips ng isa sa aming mga readers.

    Ayon kay mommy Natsu Argamosa, mainam na simulan ang pagtuturo habang sila'y mga bata pa. Ibinahagi niya ang mga tips niya na siguradong makakatulong sa iyo ano mang edad ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    How to raise a book-loving child

    0-12 months old: Read to them

    "Kahit picture books lang ng mga uri ng mga animals, ABC, or shapes—read it aloud to your baby," payo ni mommy.

    "They won't understand it yet, but they'll recognize that it's something interesting by the tone of your voice." Dagdag pa niya, mas colorful at mas animated kang magsalita, mas maganda.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "You can use cloth books. Marami nang nabibili na ganito ngayon. Minsan, may rustling sound when crumpled. This stimulates your baby's senses," sabi pa niya.

    Madali ring mahahawakan ni baby ang mga cloth books dahil magaan lang ang mga ito, hindi tulad ng mga regular na libro na matitigas ang pahina.

    1-2 years old: Read with them

    "This time, kasali na si toddler sa bawat paglipat natin ng mga pages," kwento ni mommy. "From time to time, interact with them by asking what happened to the characters," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda raw tanungin ang anak mo kung anu-ano nang nangyayari sa kwento. "What did the cow say?" o "Anong ginawa ni pagong?" Ilan lamang ito sa mga halimbawang pwede mong itanong.

    "You'll be amazed how curious and attentive ang mga toddlers sa story!" Sabi ni mommy. "This is also a good time to introduce books na may hard pages na toddlers can turn easily."

    2 years old and above: Let them explore

    Sabi ni mommy, "By this time, mayroon ka nang collection ng mga books ni baby."

    "You can still read to them and with them. Pero minsan, mas gusto nilang mag-explore on their own. Let them be."

    Makakatulong din daw, ayon kay mommy, ang hayaan silang pumili ng librong babasahin. "Let them open any book they like and turn pages by themselves. Let them make their own stories out of the book characters. Let them love their books," payo ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito pa ang ilan sa mga karagdagan niyang tips:

    Put up a reading nook

    "Kahit small corner lang kung saan naroon ang mga books ni baby at kaya niyang abutin on her own," sabi ni mommy.

    "Hindi kailangan ng mga mamahaling bookshelves ha? Kami nga, old box lang na binalutan ng mga old kalendaryo. Ang mahalaga dito is that your toddlers always have access to age-appropriate books whenever they like."

    Kung madali raw makuha ng mga bata ang mga libro, mas gagamitin nila ito, ayon kay mommy. "Just like how they have easy access to their toys, kaya play sila nang play, dapat ganoon din sa mga books nila para open sila nang open ng mga books kahit hindi pa sila nakakabasa."

    Be an example

    "Parang spone ang brain nila—lahat halos ay inaabsorb at ginagaya," kwento ni mommy. "When they see you reading a book to them, with them, or even on your own, gagayahin nila 'yan."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "To effectively develop a book-loving child, you have to show them that you too, love books. Hindi mo kailangang maging bookworm, just show them na books can be very interesting and fun."

    "So starting today, be sure to enjoy a book with your baby!"

     

    ***

    Ang mga tips dito ay galing sa isa sa aming mga readers na si mommy Natsu Argamosa. May mga tips payo ka rin bang tulad nito? Ipadala sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles