-
Mom Rage O Labis Na Galit, Tanda Na May Mga Pangangailangan Kang 'Di Nakukuha
Maaari rin itong maging tanda ng postpartum depression.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Naranasan mo na bang makaramdam ng galit na hindi mo makontrol? Iyong galit na parang sasabog ang dibdib mo at hindi mo alam kung saan nanggagaling?
Mga dapat mong malaman tungkol sa mga nararamdaman mo
Bakit grabe akong magalit?
Ayon sa mga eksperto, ang tawag dito ay postpartum rage. Isa ito sa mga pinaka nakakatakot na sintomas ng postpartum depression (PPD). Tinatawag din itong maternal rage.
Base sa datos ng Women's Health, isa sa siyam na babae ang nakakaranas ng postpartum depression o anxiety. May mga kasong hindi nakikita dahil ang malimit na sintomas na hinahanap ng mga nanay sa kanilang mga sarili ay labis na kalungkutan o pagkamanhid.
Hindi nila alam, maaari rin palang maging tanda ng PPD ang nag-uumapaw na galit.
Tanda rin ito ng labis na anxiety
Bukod sa pagiging sintomas ng PPD, ang maternal anger ay tanda rin ng labis na anxiety na hindi mo nailalabas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPayo ng mga eksperto, mahalagang mayroon kang paraan para i-vent out ang iyong mga nararamdaman, lalong-lalo na ang iyong mga takot at pag-aalala.
Senyales din ng labis na stress ang sobrang galit
Napansin mo ba ang sarili mo na sobra agad ang galit mo kapag matigas ang ulo ng anak mo o 'di kaya kapag ayaw niyang sumunod sa mga sinasabi mo? Stress response ito na lumalabas bilang galit.
Paliwanag ng mga dalubhasa, ang galit na ito ay maaaring magsimula ng negative cycle. Magpapaulit-ulit ito sa tuwing magpapakita ng negatibong ugali ang anak mo.
Para mapigilan ito, ugaliing pansamantalang huminto muna kung nakakaramdam ka ng pagkainis.
Paano maiiwasan ang maternal anger?
Magpahinga
Kung madalas kang nagagalit nang sobra-sobra kahit tungkol sa maliliit na bagay, maaaring may mga pangangailangan kang hindi mo nakukuha.
Maaaring hindi ka nakakapagpahinga ng sapat. Tandaan, napaka-importante ng sapat ng tulog sa isang tao. Kung hindi ka nakakatulog nang maayos, maaaring umiksi ang pasensya mo o 'di kaya ay mahirapan kang mag-isip.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMagkwento
Napakahalaga na may napagsasabihan ka ng mga saloobin mo. Kung hindi mo ito maibahagi sa iyong asawa o kamag-anak, pwede kang makipagkwentuhan sa mga kapwa mo nanay sa mga online communities tulad ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Maging honest
Bukod sa pagbabahagi ng iyong mga nararamdaman, mahalaga ring sabihin mo sa partner mo kung may mga pangangailangan kang hindi mo nakukuha. Magandang paraan ito para gumaan ang iyong pakiramdam.
What other parents are reading
Humingi ng tulong
Malimit, kinakaya ng mga nanay ang maraming bagay kahit pagod na sila. Kung isa ka sa mga nanay na nasanay nang hindi humihingi ng tulong, kailangan mong magsimulang baguhin ang nakasanayan mong ito. Hindi masamang magpatulong, lalo na kung hindi mo na kaya.
Ilan lamang ang mga ito sa mga maaari mong gawin para mabawasan o tuluyan nang mawala ang mga pagkakataong sumasabog ang dibdib mo sa galit.
May mga pagkakataon bang hindi mo napigil ang iyong maternal rage? Anong ginawa mo? Ikwento mo iyan sa comments section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung nakakaramdam ka ng labis na galit, pag-aalala, lungkot, at anxiety, lumapit kaagad sa mga eksperto.
What other parents are reading

- Shares
- Comments