;
embed embed2
  • ‘Non-negotiable’ Ang 6 Hours Ni Nico Bolzico Para Kay Thylane Araw-Araw

    Higit pa sa kanyang trabaho, mas binibigyan ng oras ni Nico ang unica hija nila ng asawang si Solenn Heussaff.
    by Jocelyn Valle .
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Nag-iba ang priority ni Nico Bolzico sa buhay simula nang maging daddy siya. Ito ang pahayag ng 36-year-old businessman na tubong Argentina at kasal sa Filipino-French actress-artist na si Solenn Heussaff. Ang unica hija nilang si Thylane Katana ay 1 year old noong January 1, 2021. 

    “Thylane is my priority,” pahayag ni Nico sa vlog interview ni Wil Dasovich sa kanya at kanyang brother-in-law na si Erwan Heussaff

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Nico na binibigyan niya ng mas maraming oras si Thylane kesa ang kanyang trabaho. Nagpapatakbo siya ng ilang agribusiness, kabilang ang LM10 Corporation, at ng restaurant na Chingolo Deli, kung saan mabibili ang Bolzico Beef brand na pag-aari ng kanyang pamilya sa Argentina. 

    Saad niya, “When it comes to time distribution of my day-to-day, she’s become the priority in the sense that she’s more important than work.”

    Kadalasan daw tatlong oras niyang kasama ang bata sa umaga at tatlong oras din sa hapon. Diin niya, “non-negotiable” ang daily schedule nilang mag-ama, kahit pa meron siyang meeting. Hindi niya alintana na mababawasan ang kanyang income, bagkus nagpapasalamat siya sa privilege na makapaglaan ng anim na oras araw-araw para sa kanyang anak. 

    Pag-amin ni Nico, “I always tell Solenn that we are very, very lucky that we can do that because there’s a lot of people with different realities. They cannot just say, ‘Okay, I’m gonna take six hours of the day to be with my child.’"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dahil sa maraming oras na kasama ni Nico ang anak, na-realize niya na “spending time with Thylane is what I really want to do.” Noong binata raw kasi siya, ang gusto niyang gawin ay magtatag ng isang multinational company na may 2,000 na empleyado. Pero hindi na ngayon.

    Lahat daw ng ginagawa ni Nico ay para kay Thylane, pati na ang patuloy niyang pagwo-workout at pagiging fit. Aniya, “I want to be healthy as long as possible in order to be able to play with her, to be there for her, to support her in life in general.”

    Mapapanood dito ang interview ni Nico Bolzico sa vlog ni Wil Dasovich:

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles